Ang Surfer Boyfriend ni Andi Eigenmann ay Napagkamalan na Isa sa Mga Bodyguard Niya, Ito ang Kanyang Naging Reaksyon

Ibinahagi ni Andi Eigenman at ang ama ng kanyang magiging anak sa social media ang kanilang hindi kanais nais na karanasan habang sinasamahan ni Philmar si Andi.



Philmar Alipayo ang pangalan ng kasalukuyang boyfriend ni Andi na isang surfer champion.

Magkasama si Philmar at Andi nang biglang may nagtanong sa kanya na grupo kung isa raw sya sa mga Bodyguard ni Andi.

Napahiya ang surfer sa tanong pero imbis na mainis, hinayaan nya na lamang ang mga ito.

““So a random group of people came to me and said ‘guard ka ba ni miss Andi?,” kwento ni Philmar.

At ang naging sagot nya na lamang sa mga ito ay “I’m calling 911. Smoke n da hell.”

Umani ng iba’t ibang reaksyon sa Netizens ang pinost ni Philmar tungkol sa nangyare sa kanila.



Ang iba ay pinuri ang surfer champion na sa kabila ng nakakaoffend na tanong ay hindi nya raw hinayaan na uminit ang ulo na kung saan ay pinabayaan nya na lamang ito, pero ang iba ay nagbigay na lamang ng advice sa surfer champion na sinasabing masanay na lang daw dahil isang artista ang kanyang kinakasama.

Ito ang ilan sa mga komento ng Netizens sa kanya:

“Good to see he’s got a sense of humor and can roll with the punches. They look to be well matched in this and I wish them luck.”

Ok lang. Just tell them boyfriend and bodyguard ka din ni Andi.” “Obviously nananadya yung mga yun.”

“Asahan mo na iyan kuya. Ngayon pa lang mag iisip ka na ng wittier comebacks para mas cool.”

Si Philmar ang magiging ama ng kasalukuyang dinadala ni Andi.

Ito ang pangalawang beses na pagbubuntis ni Andi matapos ang Kontrobersyal na pagbubuntis nya noon sa kinakasama nya na si Jake Ejercito.

Isa sya na mga magagaling na artista ng ABS-CBN na mayroong iilang shows at pelikula sa Star Cinema noon bago ang kasalukuyang showbiz hiatus.

Kamakailan lang, malimit ng lumabas sa TV shows at sa mga events si Andi matapos ang kanyang pag amin na pinili nya na muna ang low-key life sa Siargao kasama ang kanyang boyfriend.

Source: Philmar Alipayo/Instagram Account



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *