Bagong Tayo na Gusali Para sa Mga Senior Citizen ang Itinayo sa Lungsod ng Taguig Upang Makapagrelax ang ating mga Lolo at Lola ng Walang Bayad

Binuksan sa lungsod ng Taguig ang isang Center for Elderly para makapagrelax at makapag enjoy ang mga matatanda ng walang bayad. Kailangan din magrelaks ng ating mga lolo at lola.



Nagbukas sa lungsod ng Taguig ang isang Center for the Elderly; ito ay limang palapag na gusali na ang tanging layunin ay magbigay ng kapahingahan sa ating mga lolo at lola sa kanilang araw araw na trabaho.

Ang nasabing lugar ay mayroong therapy pool, massage room, sauna, gym, sinehan, at multipurpose halls. Binuksan ito noong Ika-isa ng Abril at kauna unahan sa buong Pilipinas ipagmamalaki ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Taguig.

Ang lugar na ito ay naglalayong magbigay sa mga matatanda ng kasiyahan, kapahingahan, at oportunidad para makihalubilo at makipagkaibigan sa kabila ng kanilang edad.

Isang therapy pool ang matatagpuan sa unang palapag ng gusali, kung saan sila ay pwedeng mag-ehersisyo para mabawasan ang sakit ng kasu-kasuan dulot ng pagtanda, mapabuti ang balanse at lakas ng katawan.

May kwarto rin kung saan pwedeng magpamasahe at dalawang sauna ang matatagpuan sa sunod na palapag. Meron din ditong malawak na espasyo kung saan pwedeng mag yoga at mag ehersisyo. Pwede ring magbasa ng paboritong libro o diyaryo sa waiting lounge na matatagpuan din sa parehong palapag.



Ang pangatlo at pang apat na palapag ay nagsisilbing multipurpose halls na pwede ring gamitin sa mga kaganapan ng lungsod. Pwede ring maglaro ng board games sa lugar na ito at gumawa ng mga obra kagaya ng pagpinta at pagagantsilyo.

Hindi rin problema para sa mga matatanda na nakasakay sa wheelchair kasi kumpleto ang gusali sa mga rampa upang di na sila mahirapan sa paglipat.

Mayroon ding elevator para sa mga hindi na gaanong makagalaw. Meron ding klinika at mga medikal na tauhan na nakaantabay sa pangangailang medikal ng mga matatanda.

Sinigurado rin ng pamahalaan ng lungsod na walang babayaran ang mga senior citizen ng Taguig. At pwede pa silang ihatid at sunduin ng libre gamit ang mga bus.

Ito ay matatagpuan sa Ipil-Ipil Street, North Signal Village. Ayon sa pamunuan ng lungsod ito ay isang simpleng paraan upang pasalamatan ang mga matatanda sa lahat ng kanilang naiambag sa pag unlad ng lungsod ng Taguig nung sila ay bata pa, hanggang sa ngayon.

“They deserve our respect and gratitude. We are merely giving back to them by giving them a safe space,” Ayon kay Mayor Lani Cayetano.

Source: ILOVETAGUIG/FACEBOOK PAGE



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *