Nakakamangha ang Pagiging Malikhain ng mga Senior Highschool Student Graduate na Ito sa Kanilang Graduation Photoshoot

Harry Potter inspired na photoshoot ng Senior High school students ang kinagiliwan ng mga Netizen. Grupo ng walong estudyante ng senior high school sa Cagayan de Oro ang nagpabilib sa kanilang kakaibang photoshoot at nagpatunay sa husay ng imahinasyon ng mga millenials.



Pangkaraniwan na lamang na toga ang ginagamit ng mga estudyante sa kanilang graduation photoshoot kaya naisipan ng mga estudyante ng Liceo de Cagayan University sa Cagayan de Oro naihango ang kanilang tema sa isang sikat na movie series ang Harry Potter. At ginawa nila ito!

Suot ang pulang toga, na siya ring kulay ng kanilang unibersidad at nang Gryffindor- isa sa apat na houses sa Hogwarts, kung saan ang bida na si Harry Potter ay kabilang- masaya silang nagpose habang ginagaya ang paborito nilang karakter hango sa sikat na nobela.

Dinagdagan pa nila ng special effects ang kanilang mga kuha para magmukha itong makatotohanan at makumpleto ang Harry Potter vibe na puno ng mahika.



Ang grupo ay binubuo ng mga magsisipagtapos na estudyante ng senior high school sa ilalim ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics strand o STEM.

Isa sa mga miyembro ng grupo na si Glenn Astillo ang nagpost ng Harry Potter-inspired graduation photos sa kanyang facebook account, na agarang umani ng libong likes galing sa kanilang mga kamag anak at kaibigan.

Totoo ngang ang High school life ay puno ng masasayang sandali at kailangan itong tapatan ng magical snapshots. Ang Harry Potter ay tanyag sa buong mundo kung saan ang pitong libro nito ay ginawa ring mga palabas na kinaaliwan ng mga bata pati na matatanda.

Isa rin ito sa mga paboritong tema pagdating sa parties, lalo na kung Halloween; pati narin sa mga birthday celebrations at weddings. Marami ring establisyemento kagaya ng mga restaurant at cafes ay hinago ang kanilang menu sa sikat na Harry Potter series.

Sa panahon ngayon, kahanga-hanga na talaga ang pagiging malikhain ng mga kabataan. Tuloy-tuloy ang paglawak at pagtuklas ng panibagong kaalaman.

Source: John Marwin Elao/Facebook



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *