Sila ang mga Sikat na Artista na Pinapanatili ang Simpleng Pamumuhay sa Kabila ng Kanilang Yaman at Katanyagan

Nakikita natin kadalasan sa mga artista ang pagiging mayaman at pamumuhay sa magara at masiglang buhay.

Ramdam nila ang buhay na pinangarap nilang tahakin. Ang pagiging sikat ang naging daan nila para makamit ang ginhawa na inaasam nila sa buhay. Karamihan sa mga artista ay namumuhay sa napaka komportableng buhay dahil sa kanilang trabaho.

Gayunpaman, meron din namang mga artista na pinili ang pagiging simple na pamumuhay sa kabila ng kanilang pagiging sikat at mayaman. Halina at alamin natin ang mga iilang artista na mas pinili ang simpleng buhay.



Manny Pacquiao

Image Courtesy: Senator Manny Pacquiao

Sino ang mag aakala na ang Filipino boxing legend Manny Paquiao ay isa sa mga milyonaryo na pinili mamuhay lamang ng simple. Isa din syang politician na halos may hawak din ng iilang negosyo, madalas din syang lamalabas para mag-guest sa mga TV shows.

Milyon milyon ang kinikita ni Pacquiao na kung saan hawak na nya ang pagkakaroon ng kumportableng pamumuhay. Pero sa kabila ng pagkakaroon ng magarang pamumuhay, madalas pa din kumakain si Pacquiao ng mga simpleng pagkain gamit ang mga kamay na tradisyon ng pagiging pinoy.

Nakakatuwa lang isipin na ang ating Filipino boxing champion Manny Pacquiao ay hindi nkakalimot sa kung ano ang kanyang pinanggalingan.

Wally Bayola

Image courtesy: Mr. Wally Bayola

Isa si Wally sa mga pinaka matagal na host ng noon-time show na “Eat Bulaga.” Madalas din siyang nag ge-guest sa mga ibang TV shows ng GMA network.

Sa kabila ng pagiging sikat, ang TV host ay nakunan ng litrato habang hawak hawak ang walis na tila nililinis ang kanilang buong bakuran.

Solenn Heusaff

Image courtesy: Solenn Heusaff

Isa si Solenn sa mga Kapuso actress na merong back-toback TV shows at magazine covers. Mas madalas daw pinipilli ni Solenn na manatili na lamang sa bahay kasama ang kanyang kapatid na si Erwan Heusaf na kung saan nagluluto na lang ang kanyang kapatid para hindi na sila kumain sa mga mamahaling restaurant.

Lovi Poe

Image courtesy: Ms. Lovi Poe



Si lovi ay hindi na bago sa pagiging sikat. Sa kabila ng pagiging anak ng isa sa mga beteranong actor na si Fernando Poe Jr., isa din si Lovi sa mga sikat na artista sa industriya.

Gustong gusto pa din ni Lovi na siya mismo ang gumagawa ng mga groceries kaysa iba ang gumawa nun para sa kanya.

Iya Villania- Arellano

Image courtesy: Mrs. Iya Villania-Arellano

Kilala si Iya na isa sa mga matatagal na sa industriya. Isang magaling na TV host si Iya na naikasal sa kilalang TV host din na si Drew Arellano.

Sa kabila ng pagiging blessed ng mag-asawa sa isa’t isa, sinisigurado naman ni Iya na naka-full time hands-on sya sa kanyang dalawang anak na lalaki.

Gardo Versoza

Image courtesy: Mr. Gardo Versoza

Si Gardo ay kilala bilang sikat noong dekada. Isa pa din sya sa mga mabibgat na artista na lumalabas pa din sa TV series at ibang pelikula.

Pero alam nyo ba na ang actor ay napaka dedicated bilang tagaluto sa isang Charitable Organizatons?

Oo, gustong gusto ni Gardo na magluto para makatulong at mapakain ang ibang tao na nangangailangan para maibahagi nya ang kanyang mga blessings na natatanggap.

Ryan Agoncillo

Image courtesy: Mr. and Mrs. Ryan and Judy Anne Agoncillo

Si Ryan ay kasal sa kilalang artista na si Judy Ann Santos. Isa din sya sa mga pinakamatagal na TV-host sa industriya.

Maraming humahanga na netizens kay Ryan na sa kabila ng pagiging sikat ay hindi nya nakakalimutan ang maging mabuting ama at asawa sa kanyang tatlong anak at kay Judy Ann.

Sa isang litrato na kumalat sa social media, kitang kita doon na inaayos ni Ryan ang isang sirang bombilya.

Source: Dailytrending



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *