300 na Bahay ang Naipatayo ng Babaeng Ito Para sa mga Mahihirap Gamit Lamang ang mga Plastic Bottles

Isang malikhaing babae ang nagpatayo ng higit sa 300 na bahay gamit ang mga lumang plastic bottle para sa mga mahihirap.



Isang abogado sa Bolivia ang naging architect at designer matapos niyang makagawa ng mga murang bahay gawa sa mga gamit nang water bottles.

Naging malaking tulong sa kanilang komunidad sa Bolivia ang isang babaeng nag-ngangalang Ingrid Vaca Diez dahil sa paggawa niya ng kumportable at murang bahay para sa mga pamilya sa nasabing lugar.

Inalala niya rin ang mabilis na pagdami ng basura sa kanilang lugar, kaya ginawan niya ito ng solusyon. Nagsimula ito noong nagbiro ang asawa ni Diez patungkol sa dami ng mga lumang bote ng tubig, na pwede na makagawa ng bahay sa dami nito.

Ito ang nagbigay sa kanya ng ideya na gamitin ang mga old bottled water para gawing bahay.
Ang tunay na nag udyok sa kanya para gumawa ng mga bahay ay nang mabasa niya ang sulat ng isa sa kanyang estudyante na humihingi ng isang kumportableng bahay.

Ang estudyante ay kabilang sa isang mahirap na pamilya na karaniwan lamang sa kanilang lugar, ang bahay raw nila ay gawa lang sa mga pinagtagpi tagping karton at madalas na tumutulo kapag umuulan.



Kaya nagdesisyon siyang ipagpatuloy ang kanyang ideya para makatulong. Napakamahal ng mga materyales at hollow blocks kaya hindi ito kayang bilhin ng mga mahihirap niyang kababayan.

Kaya nagsimula si Diez na mangolekta ng mga gamit na at lumang plastic bottle o kahit babasaging bote. Pagkatapos nun ay pinuno niya ang mga bote ng lupa at buhangin para gamiting pamalit sa hollow blocks na kailangan upang makagawa ng bahay.

Para sa bahay na may 1,830 square feet, 36,000 empty plastic bottles ang kailangan upang maitayo ang isang bahay. Kahit wala siyang karanasan sa pagiging arkitekto ay nagawa parin ni Diez kasama ang grupo niya ng humigit sa 300 bahay galing sa milyon milyong recycled plastic bottles.

Pinatunayan ni Diez na ang pagiging masinop at malikhain ay pwedeng maging solusyon sa ating mga suliranin.

Source: Goodtimes



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *