91 taong gulang na guro sa Physics ang nagpamalas ng talino at dedikasyon sa kabila ng kanyang edad

Kilalanin ang 91 taong gulang na guro na nagpapatunay na ang edad ay numero lamang pagdating sa dedikasyon nito sa pagtururo.

Photo Courtesy: Facebook/Energy FM Kalibo



Si Gonzalo Maravilla o Lolo Maestro ay nagtuturo na simula pa noong taong 1950 at wala pa siyang planong magretiro. Si Lolo Maestro na tinatawag din ng kanyang mga estudyante na si Sir Along ay nagtuturo ng Physics sa Madyaas Institute sa Albasan Numancia, Aklan.

Ikinuwento rin ni lolo Maestro na ang kanyang ama na si Miguel Maravilla ay isa sa mga naging unang pundasyon ng kanilang paaralan. Simula noon, ginugol niya na ang buong buhay niya sa pagbabahagi ng kaalaman sa kanyang mga estudyante.

Photos Courtesy: GMA PUBLIC AFFAIRS/Youtube

Mga estudyante ni Sir Along sa Grade 10 na maiging nakikinig sa kanyang mga itinuturo. Isa sa mga estudyante niya na si Faye Villorente ang nagkwento na iba si sir Along kumpara sa ibang matatanda.

Matalino at talagang maalaga sa kanyang mga estudyante. Sinabi niya rin na hindi lang magaling si sir Along sa pagtuturo ng Physics kundi isa rin siyang mahusay na guro pagdating sa pagtuturo ng mabuting pag uugali at paniniwala sa ating panginoon.

Photos Courtesy: GMA PUBLIC AFFAIRS/Youtube



Kagaya ng paglipas ng panahaon, ang masipag na guro ay marami ng nakitang pagbabago. Ilang henerasyon na rin ng estudyante ang dumaan sa kanya. Inihayag niya rin na ang pagamit ng gadget ng mga estudyante ngayon ay nagreresulta sa pagiging tamad.

Photo Courtesy: Facebook/Energy FM Kalibo

Karamihan sa mga guro pati na ang kanilang Principal na si Sir Franklin Ituriaga ay naging estudyante pa ni Lolo Maestro. Lahat sila ay may mataas na respeto kay Lolo Maestro na naging malaking parte narin ng kanilang buhay.

Wala naman daw sekreto si lolo Maestro kung paano magkaroon ng mahabang buhay. Pabiro niya ring sinabi na “Wala akong anting-anting.” Pero ang matanda na guro ay hindi pinapabayaan ang kanyang kalusugan at pinapanitili ang pagkakaroon ng healthy life style; gulay ang kanyang kinakain parati at umiiwas sa anumang bisyo.

Photo Courtesy: Facebook/Energy FM Kalibo

Sa kanyang libreng oras ay mahilig siyang magbutingting ng mga electronic gadgets. Pinipili niya ring maglakad nalang papuntang school galing sa kanyang bahay para narin makapag ehersisyo.

Ang dedikasyon ni Lolo Maestro ay walang katulad!

Source: thesummitexpress



I-Click ang imahe sa ibaba para mapanood ang video tungkol kay Lolo Maestro via Front Row’s Facebook page:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *