Chiz at Heart, Nagpaukit sa Kanilang mga Balat ng “COUPLE TATTOOS”

Mag asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista mayroong bagong “couple tattoos”. Nagpost sa Twitter si Senator Chiz ng litrato ng kanilang kamay kung saan makikita ang imahe ng puso at keso na kapareho ng kanilang pangalan.



“Testing. Hahahaha,” sabi niya sa litrato. Simula noong nagpost si Heart ng mini red Heart tattoo sa social media ay bumuhos din ang request na dapat ding magpatattoo si Chiz ng keso.

Ang nakitang cheese tattoo sa kamay ni Chiz ay hindi pala permanent tattoo, kundi isa lang pala itong drawing kaya pala nasabi niya sa caption na “Testing”.

Pero marami paring twitter user ang naglike ng kanilang “couple tattoos”. Ang ilan pa sa kanila ay nagbigay ng mga suhestyon.

“Go for it! It’d be cuter if one of the holes in the cheese was heart-shaped,” sabi ni @fabgelous.
“Same size with the heart pliz, Chiz,” sabi ni @dlsabelle.
“And then call it ‘Cheezy Heart’,” @Gomezholic8 tweeted.
Si Heart at Chiz

Apat na taon ang nakalipas ng sila ay ikinasal sa isang napkagandang isla ng Balesin.



“Thank you for giving me the time of day, for giving me another chance to love, to be loved, to live, to believe and to believe again. You are my first, my only, one true love, and you are and you will be my last. I promise to love and take care of you with all that I am, all that I can, and all that I will be. I promise to love only you and you only as I grow old,” sabi ni Chiz sa kanyang vows.

Nang si Heart na, madamdamin niyang sinabi na, “And then you came along, your gentle love put the thousand pieces of my heart together. From the restlessness of my youth to the calming of my heart, thank you for being my serenity and my home. I promise from today and tomorrow, you will no longer walk alone. I promise to stand by you and to hold your hand through this journey.”

Source: CHIZ/Twitter



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *