Ito ang Tinaguriang ‘TINY HOUSE’ Dahil sa Nakakamangha Nitong Disenyo na Kung Saan Malaki ang Natipid na Espasyo

Tiny houses” mas gusto na ng mga Pilipino na magkaroon ng maliit na bahay. Hindi lang sa makakatipid ka, pero ang maliit na bahay ay mas madaling linisin at panatilihin ang kaayusan, kung ikuumpara mo sa mga naglalakihang bahay.



Dito sa Pilipinas, ang pagbili ng bahay at lupa ay isang mahirap na desisyon. Pero ang mga bagong kasal, magkarelasyon o kahit mga single ay marami na ngayong mapagpipilian na bahay ng dahil narin sa internet. Subalit kalimitang bahay na binibenta sa ngayon ay mabibili na sa mahal na presyo.

Kaya pwede ba ang maliit na bahay?

Ito ay litrato ng isang “small house” na tinawag ng mga netizen na “tiny house”. Ang nakasulat sa caption ay “Maliit lang po lupa ko kaya maliit lang din pinagawa ko” ok lang yan maganda naman, ‘di ba.”

Ang ilang netizen ay sobrang humanga sa kakaiba nitong disenyo kaya tinawag itong “brilliant and resourceful.” Netizen Letty Dingal ay nagkomento, “Ang cute naman, pwede na rin hanggang 4th floor then rooftop pa. Galing. Tipid pa sa gastos.”



Ang cute na bahay na ito ay kasing lapad lamang ng isang pinto kagaya ng isang makitid na gusali. Pero umabot pa ito hanggang ikalawang palapag; para mabigyan ng malaking espasyo ang may ari ng bahay. Mukha lang itong maliit pero kapag titingnan mo ito sa gilid ay mahaba itong bahay na to.

Pabirong sabi ni Netizen Shelou Egtob, “Hahaha Tutal ‘di naman ako mag asawa, ‘yan lang papagawa ko.”

Inihayag din ni Ricuerdo Payawal ang kanyang opinyon, “Mas ok na yan. Maliit man pero masinop at malinis. Kesa naman sa wala kang sarili. ‘Yung iba nagtitiis sa squatter pag minalas malas pa napapalayas pa!”

Ang post ay agad na kumalat at umabot sa 1,700 comments at 2,800 reactions sa facebook simula nung ito ay maipost. At nagsilbing inspirasyon sa mga kababayan nating gusto rin magpagawa ng maliit na bahay na kagaya nito.

Source: Sulit De-senyo/Facebook page



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *