Muling Inalala ang Late Actor na si Rico Yan sa Kanyang ika-44th na Kaarawan

Halos dalawang dekada na ang nakalipas nang pumanaw ang isa sa mga pinaka magaling na aktor sa industriya na si Rico Yan pero sa kabila ng yun, hindi nakalimutan ng mga fans ang pag alala ng kanyang kaarawan.

Image: RicoYan/Facebook



Sa kabila ng iba’t ibang plataporma ng social media, hindi binigo ng mga fans ni Rico ang mag bigay ng mensahe at mga panalangin sa 44th Birthday ng aktor.

Image: Claudine Barretto/Facebook

“Today marks your 44th birthday, Rico. We may have not met in this lifetime yet I am forever grateful for the inspiration you have left before you passed on. We miss the person that you are – most especially that smile which continues to make my heart melt. Happy Birthday, Mr. Dimples,” sabi ng isa sa mga admin ng Rico Yan Facebook page.

“Happy 44th birthday in heaven… Sweet prince! We miss you so much!” post ng isa ding page na Rico Yan Memories.

“Happiest birthday, RY! I hope you are happy up there. We love you always, RY, and always remember you,” isang caption ng isang post sa Instagram page na @ricoyanclaudine.

Pati lahat ng aktor na nakasama nya sa industriya ay hindi sya nakalimutang batiin sa kanyang kaarawan, kasama na doon ang kanyang mga pinakaclose na kaibigan na si Marvin Agustin at Dominic Ochoa.



Image: RicoYan/Facebook

Habang papunta ang aktor na si Dominic Ochoa sa Whattamen ay isang fan ng trio (Dominic, Rico at Marvin) ang lumapit sa kanya para mag autograph sa kanya para sa pag alala ng kaarawan ni Rico.

Kilala si Rico bilang isa sa may mga pinaka magandang ngiti, at sya din ang reel to real lover ni aktres noon na si Claudine Barretto.

Image: RicoYan/Facebook

Isa sa mga fan ni Rico ang gumawa ng video para sa nakalipas na Birthday ng aktor para sa pag alala sa kanya gamit ang huling pelikula noon na pinagbidahan ni Rico at Claudine noong 2002.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *