Muling Sinariwa ang Tambalan na Marvin at Jolina Kasama ang mga Anak ng Aktres na Kung Saan Kinakiligan ng Napakarami

Mga Netizens hindi maiwasang kiligin sa inupload na picture ni Marvin Agustin habang kasama niya si Jolina Magdangal at ang mga anak ng nasabing aktres.

Ibinahagi ng actor ang isang litrato sa instagram kung saan makikita na kasama niya si Jolina at ang mga anak nito sa kanyang asawa na si Mark Escueta na miyembro ng bandang Rivermaya.



Photo: Marvin Agustin/Instagram

“Ang saya natin, Labtim! Pero si Pele, may sinasabi, ‘Lagot ka sa tatay ko!’” pabirong sabi ng aktor sa caption ng litrato.

Kinilig ang marami sa nasabing larawan habang sinasariwa ang dating tambalan ni Marvin at Jolina.

“Ako lang ba talaga ang paulit-ulit nanood ng mga movie nila ni @marvinagustin at @mariajolina_ig, ‘yong tipong mauubos lang ang data ko sa kakapanood. But worth it talaga. Sobrang na-melt heart ko ngayon nakita ko ‘tong pic na ‘to. Imagine ko gan’to sana family n’yo kung kayo nagkatuluyan,” sabi ni @jewgealogo.

Photo: ABS-CBN Star Cinema

Sinabihan naman ni Marvin si Marc na wag mag alala kasi nagpicture lang naman sila kasama ang mag iina nito.

“@markescueta nag-picture lang naman kami…pero si Vika beautiful mas excited sa Picxel n’ya,” ayon kay Marvin.

Reunion film

Photo: Marvin Agustin/Instagram



Inanunsyo naman kamakailan ang pagbabalik tambalan ng patok na 90s love team na MarJo.

“Coming soon from @proj8corsanjoaquin. It’s Bujoy and Ned! #lagingtapat #ohyes #bestfriendmolangako #buhaypelikula @marvinagustin @mariajolina_ig @tonetjadaone @reignannedeguzman @bibethorteza,” pahayag ng direktor na si Dan Villegas sa isang caption sa litrato.

Sina Ned (Agustin) at Bujoy (Magdangal) ang mga karakter na ginampanan ng onscreen partners noong 1998 sa tinaguriang “classic friendzone film” na “Labs Kita, Okay Ka Lang?”.

Nagpahayag si Jolina kamakailan na dugtungan ang nasabing pelikula kung matuloy ang kanilang pagbabalik tambalan sa big screen.

Photo: Jolina Magdangal/Instagram

“Either co-prod or talagang hands on kami do’n sa project, do’n sa istorya, sa lahat. Basta gusto namin something na konektado sa Labs Kita, Okay Ka Lang?” ayon sa kanya.

Tumatak sa pelikulang ito ang linyang, “Oh, yes, Ned. Kaibigan mo ako, kaibigan mo lang ako, and I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend.”

May katagalan narin nung huli silang nagtambal sa isang pelikula (Hey Babe). Maaalalang muling nagtambal din ang dalawa sa teleseryeng “FlordeLiza” sa Kapamilya network noong 2015.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *