Kilalanin ang Russian Model na Kamukhang-kamukha ni Miss Universe Catriona Gray

Naging usap usapan sa social media si Catriona. Ginanap noong nakaraang buwan ang Miss Universe, pero tila parang may hang over pa din ang social media sa naganap na paligsahan, na kung saan si Catriona Gray ang itinanghal na nanalo sa Miss Universe.

Image source: Catriona Gray



Halos lahat ng kaganapan na nangyayare kay Miss Universe Catriona Gray ay hindi naiiwasang pag usapan at maging trending, mapa-photo shoots, media interview o visiting fashion week man ito.

Image source: Catriona Gray

Kamakailan lamang, isang larawan ang kumalat online ng isang Russian model na kung saan hindi maiwasan ng mga netizens ang ikumpara si Miss Universe Catriona sa ganda ng bawat isa.

Mabilis napansin ng mga netizens ang pagkakatulad ng nasabing Model sa ganda ni Catriona at sinanabi nilang isang doppelgänger nya ito.

Image source: Maria Domark



Pag kakatulad o pagkakahawig (lookalike) ang ibig sabihin ng doppelgänger.

Ang nasabing model na kamukha ni Miss Universe Catriona ay nakatira sa bansang Russia at nag-ngangalang Maria Domark.

Image source: Maria Domark

Naka blonde hair na may kakaonting make up ang kumakalat na larawan ni Maria na kung saan doon sya naikumpara kay Catriona.

Ibinase ng mga netizens ang mga poses ni Maria habang naka-fierce look ito na kung saan sinasabi ng mga netizens na doon nya nakuha ang pag kakatulad nya kay Catriona.

Image source: Maria Domark

Katulad ni Catriona, ang nasabing Russian model ay meron ding angelic face na kung saan ito ang nagtatampok sa pagkabangis at katapangan nya bilang isang modelo.

Isa sa mga pinaka pansinin na larawan online, ayon sa mga netizens merong pagkakahawig ang modelo kay Catriona sa mga closeup shots nya, sa pagkakaroon ng bonde hair.

Image source: Maria Domark

Itinatampok din ng mukha ng modelo ang pagkakaroon ng “glaring stare” na kung saan nagagaya ng modelo kung paano tumingin noon si Catriona sa harap ng camera habang ginagawa nya ang “Catwalk” na signature move nya sa Miss Universe Stage na isa sa mga nagpanalo sa kanya sa paligsahan.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *