Naaalala niyo pa ba ang Goin’ Bulilit child star Eliza Pineda, Ito na ang napakalaking pagbabago sa kanyang itsura

Kadalasan, iilan sa mga aktor at aktres sa industriya ang dumarating at umaalis. Ang iba sa kanila ay pinipiling manatili sa kadahilanang na-eenjoy nila ang pagiging artista, ang iba naman mas pinipilli na lamang umalis sa kalagitnaan ng pag usbong nila sa industriya.

Image source: Eliza Pineda



Sa kabutihang-palad, meron namang mga artista ang pinalad sa kanilang career na tinahak at patuloy ang positibong naidulot nito sa kanila.

Isa sa mga iyon ay si Eliza Pineda o Maria Eliza Pineda Bautista sa totoong buhay na isa sa mga naging child star noon ng ABS-CBN na hinahangaan ng karamihan ngayon bilang isang teen star.

Si Eliza ay isa sa mga naging top child star noong 2000’s na nasama sa mga iilang TV series na pumatok noon.

Image source: Eliza Pineda



Napasama si Eliza sa mga TV series na “Maria Flordeluna, action series na “Kung Fu Kids” at ang reality gag show na “Goin Bulilit” na kung saan dito nakilala ang galling at pagkabibo noon ni Eliza bilang isang child star.

Matapos ipakita ni Eliza ang kanyang talento sa Kapamilya Network noon sa pagiging childstar sa Star Magic Talent, ang kanyang talento at mga nakuha na training sa ABS-CBN, ang 23 taong gulang na si Eliza ngayon ay nakakontrata at nabibilang na isa sa mga GMA artists.

Lumalabas labas na din Eliza sa mga iilang TV guesting at ibang proyekto ng network.

Image source: Eliza Pineda

Nagsimula si Eliza sa pag kakaroon ng angelic face bilang child star noon, at ngayon halos di na makilala ang kinikilalang childstar noon dahil sa iginanda nito bilang ganap na dalaga.

Sa katunayan, ayon sa isang ulat, isang online entertainment portal, si Eliza ngayon ay gumagawa ng mga photoshoots para sa men’s magazine.

Sa naging desisyon ni Eliza, nakikita niya naman na hindi magiging hadlang ang pamilya nya, na kung saan ang kanyang mom pa nga ay naging napakasuportado sa lahat ng naging desisyon nya.

Bagaman hindi pa masyado lumalabas sa TV at mga pelikula si Eliza ngayon kumpara sa mga nasamahan nyang mga shows sa kabilang network noon, hindi yun naging hadlang sa kanya para makakuha pa ng mas maraming followers sa social media.

Image source: Eliza Pineda

Halos meron na siyang 160,000 followers ngayon sa Instagram. Sa kanyang account, nagpost si Eliza ng isang litrato na kung saan pinapakita niya roon ang kanyang naging transformation bilang child star noon at isang magandang dalagita ngayon.

Source: Eliza Pineda/Instagram



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *