Nauwi na sa mabuting ugnayan ang relasyon ng magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto

Ibinahagi ni Claudine at Gretchen Baretto ang naging sweet at loving moments nila sa social media. Tila parang hindi mapaghiwalay ang dalawa kapag lumalabas at namamasyal sa mall.

Sa isang post ni Claudine sa kanyang Instagram account, ibinahagi nya rito sa isang pahayag na siya at si Gretchen ay makikita ng karamihan na nagiging clingy sa isa’t isa habang naglalakad.



“I love the way you love me @gretchenbarretto. Thank you.” – caption ni Claudine sa kanyang post.

Ang pagkahiwalay at alitan nito sa isa’t isa noon ay natabunan na ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa ngayon.

Noong 2004, ibinahagi ni Claudine at ng kanilang ina na nag sampa sila ng kaso laban kay Gretchen. Kumalat ang alitan noong April 2013 na kung saan ang kanilang ina ay naglabas ng isang open letter na dinedepensahan ang anak na si Claudine at sinasabing sinungaling si Gretchen.

Dumagdag din ang isang kapatid na si Joaquin sa alitan na kung saan nag labas din ito ng open letter na dinedepensahan ang side ni Gretchen. Pero lahat ng iyon ay naayos na at nauwi na sa pagkakasundo.



Noong 2017 lamang, nakipag sagutan si Gretchen sa isang netizen matapos na mag comment ng masama kay Claudine, “Ganda ng outfit @gretchenbarretto buti na lang sa daddy ka nagmana sa body. Kawawa ngayon ang laki ng mukha ni Claudine.” – komento ng netizen.

Agad naman dinepensahan ni Gretchen ang kapatid “saying she doesn’t appreciate the comment, “Do not put anyone down while praising me,” reply ni Gretchen sa netizen.

“Refrain from making intriguing comments.” – komento ng kapatid na si Joaquin sa netizen.

At sa wakas, ngayong taon, Napag usapan na ng dalawang magkapatid na magkasundo at tapusin na ang alitan sa isa’t isa. Nakita ng karamihan na ang magkapatid na si Gretchen at Claudine ay nakitang kumakain sa isang Restaurant kasama ang mga anak ni Claudine.

Si Gretchen ang nag alaga ng mga pamangkin nya noong si Claudine ay isinugod sa hospital at dumaan sa MRI sa hindi maipaliwanag na rason. Para maging kumportable si Claudine sa hospital, halos araw-araw dinadalhan ni Gretchen ang kapatid ng pagkain at at binigyan nya pa ito ng isang malaking teddy bear.

Ang ibang netizens ay natuwa sa pagkabati ng magkapatid, “blood is always thicker than water.” – kumento ng isang netizen sa magkapatid.

Source: Claudine Barretto/Instagram



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *