Tinago ng lalakeng ito sa kanyang nililigawan na siya ay isang Milyonaryo, makalipas ang ilang buwan na sila ay magkasintahan ibinunyag niya ang sikreto

Sa panahon ngayon, sobrang karaniwan na sa karamihan ang magkaroon ng sinasabing “online relationship”. Gayunpaman, karamihan din sa atin lalo na sa ibang pamilya ay nag aalin-langan sa panibagong tradisyon ng pakikipag-relasyon lalo na sa kadahilanang walang kasiguraduhan dito.



Hindi maiwasan ng karamihan na pumapasok sa “online relationship” ang magduda at mapaisip kung nag-papaka totoo ba talaga ang taong nakikita lamang nila online o kaya maraming inililihim. Samantal, may isang Vietnamese na babae na natuklasan niya na maraming inililihim sa kanya ang naging online boyfriend matapos nilang mapagdesisyunan na magpakasal.

Katulad ng iba sa atin, Si Nguyen Van Anh ay gusto din makahanap ng isang perkpektong tao na magmamahal sa kanya. Sa kabila ng pagiging matagumpay sa career pagkatapos niyang makapagtapos ng pag aaral sa Hanoi University of Science and Technology noong 2015, ramdam niya pa din na kulang pa din ang lahat sa buhay niya. At yun ang hanapin ang taong pinangarap niya ng sobra.

Habang tintitingnan nya ang facebook page ng kanyang idol noong May 2016, isang malabong litrato ang lumitaw na kumuha ng atensyon ni Van Anh. Sa sobrang pagka curious niya noon sa lalaking iyon, nag iwan sya ng isang mensahe sa kanyang idol sa facebook na ipakilala siya sa lalaking iyon.

Dang Tuan ang pangalan ng lalaki, bagaman hindi man ganun ka-close ni Dang Tuan ang idol ni Van Anh, pinag bigyan naman ang kahilingan ni Van Anh na ipakilala ito sa kanya at naging daan para mas makilala nila ang isa’t isa hindi lamang sa social media. Sumagot naman si Tuan sa mga message ni Van Anh, at dahil dito, naging mas mabilis ang naging connection nila sa isa’t isa.

Bagaman si Van Anh ay nasa Hanoi Vietnam at Dang Tuan naman ay naninirahan at nagtatrabaho sa Russia, hindi nila hinayaan na maging hadlang ang mga iyon sa kanilang umuusbong relasyon.



Matapos ng kanilang 10 buwan na pagde-date online, napag isipan na ni Tuan na yayain si Van Anh na magpakasal sa sumagot naman ng oo.

Sa kabila ng kanilang naging masayang relasyon, naging tutol naman ang ina dito ni Van Anh na sinasabi na pag-sisisihan nya ito sa bandang huli sa kadahilanang nakilala lamang nya ito online lalo’t lalo na hindi nya pa ito masyadong kilala ng lubusan.

Sa kabila ng pagtutol ng ina ni Van Anh, pinatunayan ito ni Tuan sa ina ni Van Anh na kung saan bumyahe pa ito ng Vietnam para hingiin ang pahintulot ng kanyang magulang. Matapos makumbinse ang mga ito, nakuha na din ni Tuan ang pahintulot ng kanyang magulang para pakasalan ang kanilang anak.

Sinimulan nilang dalawa ang wedding preparation at habang ginagawa nila ang preparasyon dun nalaman ni Van Anh ang malaking sikreto ng kanyang kasintahan, ito ay isang milyunaryo si Tuan.

Sa kabila ng pag uusap nila ng ilang buwan, Nalaman nya lamang na ang kanyang napakabait at napakamumble na kasintahan ay isang mayamang General Manager ng isang Fashion Brand noong nag pa-plano pa lamang sila sa kanilang magiging kasal.

Aminado naman si Tuan na inilihim nya talaga ang kanyang yaman kay Van Anh at tiningnan nya talaga kung mahal sya nito hindi dahil sa kanyang pera, at sa kabila nito pumasa naman sya dito.

Kinasal ang dalawa noong nakaraang taon ng Abril sa isang five-star hotel sa Hanoi na kasalukuyang nakatira na ang dalawa sa Russia.

Source: Elitereaders



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *