Dating Pedicab Driver at Balut-vendor, isang matagumpay na negosyante na sa Europe na nagmamay-ari ng isang patok na coffee shop

Dahil sa kanyang pagsusumikap at pagnanasang maka-ahon sa hirap sa buhay, Isang Pinoy ang dumanas sa hirap ng buhay na kung saan ngayon ay natatamasa na nya ang tagumpay sa ibang bansa.

Image Courtesy: new.abscbn



Ayon sa ABS-CBN, Galing sa pagiging balut vendor at pedicab driver noon si Jeffrey Velasco sa Tondo Maynila, pero sa kabila ng pagsusumikap noon, ngayon ay umuukit na sya ng kanyang sariling pangalan sa industriya ng mga coffee shop sa Ireland na kung saan ay naninirahan na sya roon kasama ang kanyang pamilya.

“Yung humble beginning nagsimula ako sa pagiging pedicab driver sa Tondo. At the same time, sa gabi nagtitinda ako ng balut,” – proud na kwento ni Jeffrey.

Sumubok si Jeffrey na magtrabaho sa ibang bansa sa kadahilanang gusto nya magbago ang kanyang katayuan sa buhay noon, sa hindi inaasahan, maswerte naman na naging electrician sya ng ilang taon sa Taiwan. Matapos ang kanyang kontrata sa Taiwan, umuwi sya sa Pilipinas at sumabak agad sa pagnenegosyo at napag-desisyunan nya na magtayo ng internet café at bilyaran.

Image courtesy: Cuppacity coffee



Sa kadahilanang malaki kita sa abroad, muli syang naakit na magtrabaho sa ibayong-lugar noong taong 2006 na kung saan ay sa Ireland na sya napadpad. Naging coffee barista sya tuwing umaga at isang staff ng isang bed and breakfast establishment naman sya pag gabi.

Image courtesy: Cuppacity coffee

Nakatulong ng sobra ang lahat ng karanasan na nakuha nya sa industriyang pinagtrabahuhan nya noon sa kinakatayuan nya ngayon.

Nag lakas loob noon si Jeffrey na bilhin nya sa dating employer ang isang papalugi na coffee shop sa isang mataong lugar sa Cork, Ireland dahil sa paghimok nito noong taong 2013.

Image courtesy: Cuppacity coffee

Ginawa nya itong isang “friendly and homey-type” shop ang nabiling coffee shop na halos personal nya itong kinumpuni na kung saan ay mararamdaman lahat ng mga pumupuntang costumer na kabilang sa iisang pamilya. “Cuppacity Coffee and Bagels” ang itinawag nya sa shop nya.

Patok na patok ang kanyang shop sa mga Irish costumers na halos kasama na sya sa mga negosyong nakikipag-kumpetensya sa bansang Ireland.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *