Magna Cum Laude ang nasungkit ni Yasmien Kurdi sa kanyang pagtatapos sa Kolehiyo

Sino nagsabing hindi pwedeng pag sabayin ang pag aaral at ang career? Para sa kapuso aktres na si Yasmien Kurdi, ayon sa kanya “walang mataas na bundok ang hindi kayang maabot”. Matapos ang ilang taong paghihirap at pawis na ibinuhos, naitaguyod ni Yasmien kolehiyo na may kasama pang flying colors noong nakaraang Marso lamang.

Image Courtesy: Yasmien Kurdi/Instagram



Political Science ang kinuha ni Yasmien sa paaralang Arellano University sa halos apat na taon, aminado ang actress na hirap sya hatiin ang oras nya sa kabila ng kanyang hectic schedule. Hindi naging madali sa kanya lalo na meron syang iilang proyekto sa Kapuso network.

Image Courtesy: Yasmien Kurdi/Instagram

Pero nung huli, hindi nagpatalo at lumaban pa ang Startruck alumna sapagkat proud na proud syang ibahagi sa atin na hindi lamang sya grumaduate kundi grumaduate sya bilang Magna Cum Laude ng Arellano University.

Sa kanyang Instagram account, ang 30 anyos na actress ay nagbahagi ng kanyang tagumpay sa mga followers at taga-hanga nya online na kung saan ay nagpapasalamat sya sa walang sawang suporta na ibinibigay sa kanya ng mga ito.

Image Courtesy: Yasmien Kurdi/Instagram



Ang iilang mga artista katulad na lang nina Rodjun Cruz, Mariz Umali, Jonalyn Viray, Diana Zubiri at Gina Alajar ay nag bigay din ng mga maiikling bati sa aktres na ikinatuwa naman nito.

At saka, hindi naman nakalimutan ni Yasmien na magbigay ng inspirational message sa mga working student na kagaya nya na kung saan naipagsabay nya ang pag aaral sa kanyang career na tinahak, sinasabi nya rito na ipatuloy lamang nila ang pag abot sa mga pangarap sa kabila ng kahirapan na dinadanas.

Image Courtesy: Yasmien Kurdi/Instagram

“To all the working students, never stop reaching for your goals and dreams in life! Do your best all the time. Life is hard but you have to keep pushing forward. Feed your mind with positivity like ideas of success, not failure.” – advice ni yasmine.

Image Courtesy: Yasmien Kurdi/Instagram

Talagang kahanga-hanga ang mga ganitong klase ng tao na sa kabila ng kanilang edad, estado ng buhay, at mga kailangan na pinagkakaabalahan upang mairaos ang araw-araw, naisisingit pa din nila sa kanilang schedule ang makapag-aral at sikapin na tapusin ito.

Source: Yasmien Kurdi/ig



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *