Nakapasa agad sa unang take ng Board exam ang Pharmacist Student na ito kahit Pitong Taon sa kolehiyo ang kanyang ginugol

Dito sa Pilipinas, masyadong nagiging big deal sa ibang Pinoy ang hindi mo pagtatapos sa kolehiyo sa tamang oras. Kapag lumagpas ka ng mahigit 4 hanggang 5 taon ay doon na magsisimula ang panghuhusga ng ibang tao sayo at inaasahan na agad nila sayo na hindi mo sineryoso ang pag aaral mo.



Pero kadalasan ay totoo ang rason na maraming hindi nakakapag tapos agad sa pag-aaral sa kadahilanang hindi nila ramdam na mag aral at pumasok sa eskwelahan, sa kabila ng pag hihirap ng kanilang mga magulang maipag aral lang ang kanilang mga anak.

Karamihan ng mga ganung klaseng estudyante ay nabibilang sa mga nahuhusgahan na kung saan ang iba ay nasasabihan ng “walang mararating” sa kabila ng kanilang pagkabigo.

Gusto patunayan ni Adrian Gales sa kanila na mali ang panghuhusga nila sa kanya, bagaman nabigo siya na maipasa ang ilang subjects na kung saan nai-drop nya pa ang halos 11 subjects nya kasama ang subject na Crucial Pharmacy na ugnay sa kanyang kurso, sa kabila ng mga iyon, nagawan naman niya ng paraan at nakagraduate siya.

Gumugol siya ng halos pitong(7) taon sa kolehiyo, kahit pa palipat lipat ito ng paaralan, nakagawa naman siya ng paraan para maitaguyod ang sarili sa mga pagsubok na hinarap noon para lang makapag tapos ng kolehiyo, pero sa kabila ng hirap na dinanas, Naipasa niya ang board exam ng first take lamang.



Hindi makapaniwala ang iba sa nakamit na tagumpay ni Adrian dahil sa kanyang background noong nag-aaral pa lamang ito, at pinatunayan niya na mali sila.

Ayon kay Adrian, nag simula lamang siya sa pagiging isang tunay na estudyante nang nasama siya sa isang seksyon na naandon ang top 40 students sa isang komprehensibong paaralan. Ibinahagi nya din naman na kaya niya sana maging Dean’s Lister ng 4 apat na beses pero nauwi lamang ito sa pagbubulakbol noon.

At kahit pa inabot sya ng pitong taon sa kolehiyo, ibinahagi nya din din na hindi sya seryoso sa pag aaral niya noon sa review para sa darating na board exams. Pumunta lamang siya ng limang araw sa kanyang 3 months review program at hindi niya sinabi ang rason kung bakit.

Meron na lamang siyang tatlong araw noon na mapagtantuan na kailangan niyang uma-ttend sa mga review at mag-aral, at dun sya nag simula mag cramming, pero sa awa ng Diyos, naipasa ni Adrian ang board exams at nakakuha pa to ng mataas na grado.

Source: Adrian Gales



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *