Malapit na Manganak at Naglalabor na ang Babaeng Ito Ngunit Pinagpatuloy niya pa din ang Licensure Exam Upang Maging isang Doktor

Alas Dos ng madaling araw nang bumukas ang tinatawag na amniotic sac ni Eunice Stefanelle Sibuyan sa huling araw ng kanyang Physician’s Licensure Examination.

Pero nagawa niya namang ma-monitor ang kanyang sarili at mapanatiling kalmado na kung saan walang kaalam alam ang mga proctor niya na nasa labor siya nang panahong iyon habang kumukuha ng pagsusulit, pero sa awa ng Diyos naipasa niya ang pagsusulit at siya ay ganap na isang licensed physician.

Image courtesy: Eunice Stefanelle Atianzar Sibuyan/Facebook



Sa isang post sa Facebook, ang bagong doktora ay nag bahagi ng isang larawan ng kanyang pagbubuntis kasama ang kanyang asawa habang nakahalik ito sa kanyang tiyan. Ibinahagi niya rin ang ibang larawan ng kanyang 1-week-old baby niya kasama ang pag saysay ng kanyang kwento sa nasabing karanasan noong kumuha siya ng pag pag susulit noong board exam niya.

Sa post ni Eunice, ibinahagi niya kung paano niya napagtagumpayan ang lahat sa kabila ng kanyang pag-titiis para lang maging doctor at magkaroon ng anak na pinangalanang Graeden Euri.

Image courtesy: Eunice Stefanelle Atianzar Sibuyan/Facebook

Isang linggo bago ang board exams, si Eunice ay halos 1-2 cm nang dilated at 60% na siyang effaced na kung saan ay hirap na hirap na siya. Sa mga oras na iyon ay pwede na siya manganak.

Pero sa kabila ng kanyang pagka-desidido makuha ang pagsusulit, sa tulong ng kanyang mga kaibigang doctor, tumagal ang kanyang panganganak dahil sa mga itinurok sa kanya.

2 araw bago ang kanyang pagsusulit, nakakaranas na si Eunice ng mga pagdurugo at hindi maipaliwanag na sakit na siguradong isang tanda na malapit na siyang manganak, pero sa tulong ng siyensya, tinurukan siya ng Terbutaline.

Image courtesy: Eunice Stefanelle Atianzar Sibuyan/Facebook



At sa huling araw ng kanyang pagsusulit,sa oras na 2AM nasira ang kanyang amniotic sac, hindi niya ito sinabi sa iba kahit pa sa kanyang asawa kasi alam niya na dadalhin siya nito sa pinakamalapit na hospital, kaya kinuha niya ang pagsusulit kahit alam na niyang malapit na siyang manganak.

Image courtesy: Eunice Stefanelle Atianzar Sibuyan/Facebook

Sa umaga, nasa 15-30 minuto ang pag constract or pag cramps ng kanyang tiyan, at nasa 3 minuto naman ang regular na pag-constract nito. Sa kabila ng paghihirap na dinanas, ginawa ni Eunice ang kanyang makakaya masagot lang lahat ng kaya niyang masagutan.

At umaasa na sana matandaan pa niya ang mga tamang sagot sa kabila ng di maipaliwanag na sakit na dinadamdam sa oras na iyon.

Sa oras na natapos na niya ang pagsusulit, lumakad palabas si Eunice na kung saan nasa labas ang kanyang asawa habang hinhintay siya pero halos nasa 10-cm dilated na siya ng mga oras na iyon at senyales na malapit na talaga siya manganak.

Image courtesy: Eunice Stefanelle Atianzar Sibuyan/Facebook

Nahirapan sila makakuha ng taxi ng mga panahong iyon, kaya naman, dinala na lamang siya sa pinakamalapit na testing site na hospital. Matapos nila makarating sa nasabing hospital, hindi tumagal, nailabas niya agad si baby Euri.

Kahit pa binalik si baby Euri sa hospital para sa neonatal sepsis, nabuhay naman ito. Lumipas ang mga ilang araw matapos niyang maipanganak si baby Euri, nalaman ni Eunice na nakapasa siya sa licensure exams.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *