Prenup Photoshoot sa mga kalye sa Cubao ang pumukaw sa atensyon ng mga Netizens

Isa sa mga mabilis na mag-trending ngayon ay ang mga wedding prenup shoots. Para sa mga mag asawa, ang photo-shoot ng kanilang kasal ang isa sa pinakamagandang remembrance ng kanilang pagmamahalan. Ito ay isang palatandaan na sila ay masayang mag nobyo/nobya bago sila maikasal.

Image courtesy: ExtremeDetailsPhotography



Sa katunayan, karamihan sa mga photographers ang nacha-challenge sa mga nakikita nilang iba’t ibang pakulo na mga wedding prenups na kung saan ay mas lumalawak na ang imahinasyon ng karamihan sa pag-isip ng panibagong tema na prenup shoots, ang iba naman ay umaakyat pa mismo ng Mount Mayon para lang makuha ang perpektong lovestruck shoot.

Image courtesy: ExtremeDetailsPhotography

Kadalasan ang may magandang tanawin ang nagpapabuti at nagpapaganda ng isang shoot, pero sa mag-asawa na ito, napag-desisyunan nilang pumunta sa kakaibang ruta sa pag pili ng lugar ng kanilang photoshoot, at ito ay sa magulo at maabalang street ng Cubao para sa kanilang backdrop.

Image courtesy: ExtremeDetailsPhotography

Ipinagkatiwala ni Bjorn at Cat (na malapit na ikasal) ang kanilang prenup shoots sa mga photographers na si Edu at Mherl Angelie Cortez para sa kanilang Extreme Details Photography. At hindi sila nabigo, na kung saan ang kanilang prenup shoot ay mabilis na kumalat at naging trending dahil sa kakaibang tema ng nasabinig shoot.

Image courtesy: ExtremeDetailsPhotography



Suot-suot ni Bjorn ang kanyang tuxedo habang si Cat naman ay suot ang kanyang napaka gandang white wedding gown na kung saan kitang kita sila ng karamihan ang kanilang wedding prenup shoots.

Image courtesy: ExtremeDetailsPhotography

Ang pag-pose sa tabi ng isang asong askal at sa mga tindero sa footbridge habang kumakain ng street foods, namangha naman ang mga netizens sa mga larawang nakuha sa akanila dahil sa itsura nitong aakalain mo ay parang totoo.

Image courtesy: ExtremeDetailsPhotography

Naibigay naman nila sa larawan na dapat naka-tuon sa kanila ang detalye ng larawan at hindi sa mga magagandang background.

Image courtesy: ExtremeDetailsPhotography

Dahil sa pagka-mangha ng karamihang netizens, sinasabi nila rito na simple man ang kanilang naging background pero naging makabuluhan naman ang naging dating nito. Isa sa mga netizens ang nag-sabi na ang lugar ng Cubao ang perpektong lugar para sa kanilang shoot kaya nila pinili ito.

Ang kakaibang larawan ay umani ng 5,600 shares at halos 9,300 na reaksyon sa Facebook.

Source: Edu & Mherl Cortez



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *