Silipin ang mga Litrato ni Dawn Zulueta noong mga panahon na siya ay dalaga pa lamang

Habang ibang bagay ay hindi tumatagal, meron pa ding mga magagandang bagay ang hindi na nagbabago lumipas man ang ilang taon.

Image Courtesy: Dawn Zulueta/Instagram



Sa isang Facebook group na Memories of Old Manila, isa sa mga miyembro sa nasabing grupo ang nag upload ng isang throwback na larawan ng aktres na si Dawn Zulueta, na nagpapatunay na hindi tumatanda ang kanyang kagandahan.

Image Courtesy: Memories of Old Manila

“Dawn Zulueta in her younger days” – caption ng nag-upload, na kung saan ay nakakuha agad ito ng samut-saring mga reaksyon.

Samantala, sa Instagram, humanga naman ang mga followers ni Zulueta nang mag upload siya ng kanyang larawan na pinakita niya ang kanyang 2008 vs. 2018 challenge na kitang kita na walang walang kupas ang ganda niya noon sa ngayon, dito nag simula mag komento ang karamihan na umani din ng iba’t ibang papuri sa actress na agad naman nyang pinasalamatan ang iba rito

Image Courtesy: Dawn Zulueta/Instagram

“Here’s what I did last year #10yearchallenge,” pahayag niya sa isang caption

Ang nasabing post ay umani agad ng 60,000 likes sa Instagram.

Kilala si Zulueta bilang Marie Rachel Salman Taleon-Lagmadeo sa totoong buhay na kasal sa asawa nyang si Antonio Lagdameo na kung saan ay meron na silang dalawang anak, nag simula sumikat sa industriya ng entertainment si Zulueta noong 1986 at nakagawa agad ito ng mga iilang pelikula noon.

Image Courtesy: Dawn Zulueta/Instagram



Ilan sa mga achievement ni Zulueta ang pagkapanalo ng sabay sa Filipino Academy sa Movies Arts and Sciences (FAMAS) awards para sa pagiging Best Lead Actress (Hihintayin kita sa Langit) at Best Supporting Actress (Una kang Naging Akin) noong 1991: Supporting Actress of the year sa Film Academy of the Philippines para sa “Una kang naging akin”;

Image Courtesy: Dawn Zulueta/Instagram

At Box Office Queen naman noong 1994 sa panahong Guillermo Mendoza Memorial Foundation Entertainment Award na kasama para sa year’s higest-grossing film (The Maggie Dela Riva Story: God Why Me?).

Image Courtesy: Dawn Zulueta/Instagram

Tunay nga na hindi matatawaran ang lahat ng naiambag ni Dawn Zulueta sa mundo ng entertainment, siya ang isa sa mga buhay na patunay na may mga ganitong klase ng tao na mayroong nag-uumapaw na biyaya ng ganda at talento.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *