Kilalanin ang itinanghal na “Most Beautiful Girl in the World” na si Thylane Blondeau at Ngayong Dalaga na siya ay muli niya nasungkit ang Top 1

Matapos na maihirang na pinakamagandang babae sa buong mundo noong anim(6) na taon pa lamang sya, ang modelong si Thylane Blondeau ay tinatanghal muli bilang “pinakamagandang babae sa buong mundo” matapos ang 11 na taon.

Image Courtesy: Thylane Blondeau/Instagram



At ngayon ay 17 taong gulang na sya, nag top si Blondeau sa listahan ng TC Candler Most Beautiful 100 Faces sa taong 2018.

Ang napakarilag na dalaga, na anak ng isang French footballer na si Patrick Blondeau at aktres ay isang fashion designer na ngayon na si Veronika Loubry, ay nagsimula magmodelo noong apat na taong gulang pa lamang na kung saan nag lakad sya sa runaway para sa Jean Paul Gaultier.

Image Courtesy: Thylane Blondeau/Instagram

Inanunsyo ng TC Candler ang kanilang taunang gawad ng kanilang 100 Most Beautiful Faces of the Year – at ngayong taon, ipinakita nila ang video na kung saan inabot ng 2 million views ng dalawang araw lamang.

Sinundan naman sya ng isang Taiwanese singer na si Tzu-yu na hinirang bilang second, Israeli model na si Yael Shelbia bilang third at sinundan naman sya ng Filipino actress na si Liza Soberano.

Image Courtesy: Thylane Blondeau/Instagram



Pinasalamatan naman ng hinirang na pinakamaganda sa buong mundo na si Thylane ang kanyang mga fans sa Instagram.

“I just can’t believe it myself…thanks so much @tccandler and everyone who voted. I never thought i was once number one!! I’m thankful to all of you I really hope your having great holidays and spend nice Christmas with your family..all the best to all of you guys lots of love…” – pahayag nya.

Image Courtesy: Thylane Blondeau/Instagram

Natuwa naman ang lahat ng kanyang fans at followers sa pagkapanalo nito na kung saan marami ang nag kumento sa ng mga positibo sa kanya para ipakita ang kanilang suporta. “Bravo Thylane, you deserve it you are beautiful”. Another fan added, “You are so modest, so pure, so natural, and truly know that you deserve it!” – sabi ng isang fan sa kanya.

Image Courtesy: Thylane Blondeau/Instagram

Ang nasabing kompetisyon ay iginawad ng British film critic TC Candler noong 1990 at dating panalo katulad nila Michelle Pfeiffer, Marion Cottilard at Jourdan Dunn.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *