Natagpuan ng Babaeng Ito ang Doktor na Nagligtas ng Kanyang Buhay Noong Siya ay Sanggol pa Lamang Kahit na Walang Pambayad ang Kanyang Ina

Katulad ng mga kwentong nababasa natin sa libro, isang sanggol na may hindi kaaya-ayang karamdaman sa kanyang dibdib ang nailigtas ng isang mabuting Doktor. Dumaan ang maraming taon at nagkita ulit sila.

Image courtesy: Arabelle Garciano



Naibahagi ang kanilang kwento sa Twitter na kung saan marami ang napukaw at naantig na natizens sa nasabing kwento na pinapakita dito kung gaano makapangyarihan ang pagmamahal at kabaitan ng isang tao.

Ibinahagi ng isang twitter user na si Arabelle Garciano ang larawan nya noon kasama ang Doktor na nagligtas ng kanyang buhay. Sa mga panahong iyon, si Arabelle ay may katakot takot na kalagayan at walang wala ang ang kanyang ina noon, pero isang Doktor na galling Cebu ang nagprisinta para tulungan sila.

Maribel Du ang pangalan ng Doktor, isang pediatric surgeon na galing University of Cebu Medical Center. Dumaan ang madaming taon hindi pa din nagbago ang kabaitan ni Dr. Du para sa batang tinulungan nya noon na kung saan ay isang ganap na dalaga na at handa ding tumulong sa ibang nangangailangan.

“And that is why I need to become a doctor. I need to share the same kindness I was lucky enough to receive.” – pahayag ni Arabelle.

Image courtesy: Arabelle Garciano



Si Arabelle ngayon ay isang estudyante sa paaralang Tagbilaran City High School. Kahit malayo pa man ang lalakbayin ni Arabelle para makamit ang kanyang mga pangarap bilang maging ganap na Doktor, ginawa naman niyang inspirasayon ang kabaitan at kagalingan ni Dr. Du.

Maraming netizens ang naantig sa kwento ni Dr. Du at Arabelle. Karamihan sa kanila hindi nagsasawang iganyak si Arabelle para makamit pa lalo ang kanyang mga pangarap at sinasabing, “Get it, girl and don’t forget to pay it forward.”

Isang netizen na nagngangalang Jomo Macalino ang nag kumento ng positibo na sinasabing “Thanks for sharing your story to the world. We need this kind of stories nowadays.”

Talagang kahanga-hanga ang mga ganitong klase ng tao dahil ito ang kailangan ng ating mundo sa panahong ito. Madami ang nagiging gahaman at ipinagkakait kabutihan sa ibang tao kung kaya’t mas mainam na gayahin natin ang ganitong klaseng gawain.

Source: Arabella@bellagarciano/twitter



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *