Silipin ang mga Litrato ni Dina Bonnevie noong mga panahon na siya ay dalaga pa lamang

Hindi mapagkakaila na isa si Dina Bonnevie sa mga may magagandang mukha sa industriya ng Philippine entertainment noong dekada.

Image Courtesy: Memories of Old Manila



Sa isang Facebook group memories ng Old Manila, isa sa mga miyembro ng nasabing grupo ang nag post ng isang throwback picture ni Dina Bonnevie.

“Dina Bonnevie (in the) 80s. Siya ‘yong gandang hindi nakakasawang tignan,” caption ni Ssenh Pascua sa imaheng pi-nost niya. [Dina Bonnevie in the 80s. You won’t get tired of staring at her beautiful face.

Image Courtesy: Memories of Old Manila

Umani ng libong reaksyon at daan-daang kumento ang throwback picture ni Dina na kung saan pinag-uusapan nila ang ganda na tinatanglay niya noong Dekada na tila parang hindi daw ito tumatanda.
Dina Bonnevie

Bago siya pumasok ng industriya, kilala si Bonnevie bilang Geraldyn Bonnevie – Savellano sa totoong buhay, na kung saan ay napalanunan niya ang isang paligsahan bilang first runner ng Miss Magnolia noong 1979.

Image Courtesy: google



Noong 1979, nakagawa ng pelikula ang aktres na pinamagatang “Temptation Island” na kung saan ito ang kauna-unahang pelikula na ginawa niya.

Sumunod ang mga taon, pinagbidahan niya naman ang pelikulang “Katorse” sa ilalim ng Regal films na isinulat ni Joey Gosingfiao na kung saan ay nakasama niya noon rito ang beteranong actor na si Gabby Concepcion.

Noong 1985 naman, nakasama niya naman ang isa din sa mga magagaling na artista na si Nora Aunor sa pelikulang “Tinik sa dibdib”, at naiuwi niya ang parangal ng FAMMAS at FAP bilang best-supporting actress.

Naiuwi din niya ang mga parangal galling sa CMMA, FAMAS at FAP sa pelikulang “Magdusa Ka!” na itinanghal siyang best actress noong 1986.

Ang kanyang proyekto sa ilalim ng Viva films ay ang mga “Sana’y Wala nang Wakas” (1986), “Alabok sa Ulap” (1987), “Ang Lahat ng Ito Pati ang Langit” (1989), “Ang Babaing Nawawala sa Sarili” (1990); “Kung Kasalanan Man” (1990), “Gumapang ka sa Lusak (1990) at kasama pa ang iba.

Naging nominado naman siya noon 19787 sa mga pelikulang “Maging Akin Ka Lamang”, 1988 movie “Huwag Mong Itanong Kung Bakit”, 1990 film “Gumapang Ka Sa Lusak”, at sa pelikula noong 2004 na “Bridal Shower”.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *