Isang Babae ang nakaranas ng “literal na solo flight” na byaheng Davao to Manila nang dahil sa hindi inaasahang pangyayari

Napansin ng isang babaeng pasahero na mag isa lamang sya na bumyahe papuntang Davao-Manila flight.

Image Courtesy: Louisa Erispe



Sa kanyang flight na halos bisperas na ng pasko na galing Davao to Manila, napansin ng pasaherong si Louisa Erispe na halos ikanagulat niya ang kanyang nakita. Nag iisa lamang syang pasahero ng Philippine Airlines flight PR 2820 noon.

Maliban na lang sa mga plane crew at captain ng eroplano, halos walang laman ang mga upuan na katabi niya hanggang sa likod.

“Hindi ko alam kung anong ibig sabihin or kung ano dapat kong isipin.” – Biro ni Erispe.

“But i’ll be flying alone tonight sa plane. No other passenger, ako lang. Hehe.” – dagdag nya.

Image Courtesy: Louisa Erispe



Ang pasaherong si Erispe ay hindi matulungan ang sarili kundi makaramdam ng nerbyos pero idinaan nya na lamang ito sa panalangin para gabayan ang kanyang magiging byahe.

“Kinakabahan ako, hahaha. Ikaw na po bahala Ama.” – sabi ni Erispe.

Matapos ang kanyang flight, Ibinahagi naman ni Erispe na naging matagumpay ang kanilang flight at nakarating naman sila ng ligtas sa kanilang destinasyon.

Image Courtesy: Louisa Erispe

“Nakalipad po ako ng maayos and nakapagpalipat lipat ako ng upuan.” – dagdag nya.

Pinasalamatan naman ni Erispe ang mga PAL crew at ang kapitan nito sa naging matagumpay na byahe at sinabi nya pang “Kudos to Phillippine Airlines na nilipad pa rin ako. The best airline so far.”

Ibinahagi nya din naman na isang memorable experience para sa kanya ang nasabing flight at dagdag nyang

“Thank you po Capt. Khalil Faustino and the rest of the crew for the safe and remarkable trip. God Bless po.”

Ayon sa mga iilang kumento, ang nasabing memorable trip ni Erispe ay nangyare lamang kasi na-rebooked ng maaga ang kanyang flight. Habang kinokontak ng PAL ang mga pasahero para sa panibagong schedule ng flight, nag iisa lamang si Erispe na hindi nila nakontak para sa confirmation ng schedule. Si Erispe, isang news correspondent ng PTV ay na-booked ng kanyang kumpanya. Kaya naman nung dumating si Erispe, napag desisyunan nya na lumipad na lang para sa 11 pm na flight.

Habang ang iba naman ay nag labas ng positibong saloobin para sa naging serbisyo ng PAL, sinasabi naman ng iba na nangyayare ang mga ganung pangyayari lalo na kapag may mga naghihintay na pasahero at kailangan ng bumyahe.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *