Isang Pinoy Student ang nakasungkit ng panalo at nag-kampeon sa US Engineering Design Competition

Isang pinoy high school student ang nagdala ng kanyang team para maipanalo ang kompetisyon na engineering design na ginanap sa University of California, Los Angeles (UCLA) noong nakaraang May 5.



18 taong gulang si Carl Vincent Camilon nang ipakita nya ang kanyang air quality sensor na tinatawag na Re-LAQS (Respiratory Local Air Quality Sensor) sa 2019 State Championship sa Mathematics, Engineering and Science Achievement National Engineering Design Challenge (MESA-NEDC).

Kasama ang kanyang mga teammates, nirepresenta ni Cuyos ang Oxnard High School (OHS) – University of California Sta. Barbara.

Sya ang nakaisip ng isang kakaibang disenyo para maipanalo ang kanilang obra kasama ang kanyang mga teammates na naging bahala sa pag-research (Sara Centeno), sa business naman (Jenna Huynh) at sa programming (David Pulido). Sinamahan naman sila Cuyo ng kanilang guro at adviser na si Nicholas Peterson.

Ayon sa isang report, ang lolo at lola ng high school student na si Cuyos ay galing sa Mauban at Perez, Quezon. Dinisenyo ni Cuyos ang Re-LAQS na umaasa na mapansin ng publiko at makapag bigay ng impormasyon sa pagbabago ng kalidad ng hangin.



Ginawa din ito ni Cuyos para sa maprotektuhan ang karamihan sa mga hindi kaaya-aya na hangini na gawa ng hindi kanais nais na kaganapan ng kapaligiran.

“The Re-LAQs innovation, aimed to protect 91 percent of the globe’s population, who live in polluted areas identified by the World Health Organization,” sabi ni Cuyos.

“To reduce air pollution threat and health cost, people can use Re-LAQs, to measure air quality and take appropriate action,” – dugtong nya naman.

Ang ginagamit na sensor nila dito ay isang nine voltage rechargeable battery na may flashing LED alert. Pwede din syang magamit sa application na kung saan ay compatible sya sa Bluetooth na pwede sa indoor at outdoor na gamitan.

At dahil sa kanilang panalo, ang team naman ng Cuyo ngayon ay naghahanda na para sa paparating na National Championship matapos Manalo laban sa siyam na competitors sa State Championship, ang team ni Cuyo ay pasok sa University of California sa June 19-21 para i-exhibit nila ang Re-LAQS sa National Championship.

Panuorin dito sa source:

Source: Carl Vincent Cuyos



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *