Siya ang Mommy na hindi mo aakalain na 50 Years Old na ang edad

Sa kabila ng iba’t ibang problemang hinaharap natin araw-araw, kadalasang nararamdaman natin ang stress. Ang pagiging stressed ay kadalasan na nakakaapekto sa ating cells na kung saan ay nagreresulta ng pagkakaroon ng wrinkles, pinag-mumukha tayo nitong matanda at madaling makita ang mga pagbabago sa ating pisikal na katawan. Maliban pa doon, mabilis din tayo makasagap ng iba’t ibang sakit kapag stress.



Para maiwasan natin ang pagkakaroon ng matinding stress, kailangan natin mag ehersisyo, uminom ng madaming tubig at kumain ng tamang nutrisyon na kinakailangan ng katawan para maiwasan ang iba’t ibang sakit. Kadalasan, kailangan din natin ng hobby o kahit anong bagay para malibang libang.

Kung alam natin kung paano alagaan ang ating kalusugan, makikita ng karamihan ang pagkabuti at pagbabago sa ating mga katawan.

Katulad ng isang Nanay na ito na mukhang kalahati lang ng tunay na edad nito, madalas siyang napagkakamalan na girlfriend ng kanyang anak na lalaki na halos 22 taong gulang pa lamang.

Ang babaeng ito ay nag ngangalang Puspa Dewi ng Jakarta, Indonesia. Makikita sa pagmumukha at kutis ni Dewi na walang bakas ng kahit anong pagtanda. Marami naman ang humahanga sa kanyang kagandahan.



Madalas siyang napagkakamalang dalaga kaya kung bakit ang ibang tao ay hindi makapaniwala sa kanilang nakikita kapag ibinubunyag nya sa kanila na 50 taong gulang na sya.

Si Puspa Dewi ay isang Nanay, entrepreneur, at isang TV personality, kaya naman alam nya kung paano alagaan ng maayos ang kanyang pangangatawan at kalusugan.

Ibanahagi din ni Dewi na kapag lumalabas sya o nag sho-shopping, karamihan ng tao ay hindi maiwasan tumigil at magtanong kung ano raw ba ang kanyang sikreto para magkaroon ng pagmumukhang bata.

Ngayon, ibubunyag ni Dewi sa atin ang kanyang sikreto sa kanyang healthy living. Tinataglay nya ang pagkakaroon ng batang mukha sa pamamagitan ng healthy diet, isang solid na skincare routine at madalas na ehersisyo.

Ipinagpapatuloy lang ni Dewi ang pag enjoy sa kanyang buhay na kung saan nakamit nya ang tagumpay sa kanyang business. Naglalaan naman sya ng oras para sa paggawa ng mga pre-packaged meal plans para sa kanyang mga kliyente para sa kanyang negosyo. Napili din sya bilang ambassador sa isang Indonesian Skincare and Beauty brands.

Source: Yahoo



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *