Isang Bata sa Peru ang Natagpuan na Gumagawa ng Kanyang Takdang-aralin sa Kalye Dahil Wala Silang Kuryente sa Kanilang Tahanan

Para sa magandang kinabukasan, isang 12 taong gulang na bata sa bayan ng Moche sa Peru na natagpuan sobrang determinado matapos ang kanyang takdang-aralin sa gilid ng kalsada na kung saan mayroong streetlight, sa kadahilanang hindi kaya ng kanyang mga magulang ang makapag bayad ng kuryente gawa ng hirap ng buhay.

Ayon sa Daily Mail, ang batang nakita sa gilid ng kalsada ay nag-ngangalang Víctor Martín Angulo Córdoba, na kung saan pilit tinatapos ng bata ang kanyang takdang-aralin sa gilid lamang ng kalsada.



Ang nakakaantig na kuha na ito ay kitang kita na nakaupo lamang ang bata sa gilid habang patuloy lamang nya ginagawa ang takdang-aralin na tila walang pakialam sa mga taong dumadaan sa harapan nya.

Ang footage na ito ay agad agad kumalat sa social media matapos makita ng Moche police department na kung saan ay ipinost nila ito sa Facebook.

Napansin ng isa sa mga staff ng police department ang bata habang tinitingnan nila ang mga security camera noong nakaraang buwan lamang. Kitang kita na nakaupo lamang ang bata noong gabing iyon sa gilid ng kalsada, para makita ng maayos ang ginagawa ng bata, naka mas pinalapit nila ang camera.

Matapos ang ang pag-zoom in ng camera, doon lamang nila napansin na nagbabasa lamang ang bata at nag susulat sa kanyang notebook sa tulong ng ilaw na kinakaupuan niya.

Kitang kita ang determinasyon sa bata sa kabila ng kahirapan nila sa buhay, agad-agad naman ibinahagi sa social media ng mga taga police department ang video na nakita nila.

Image courtesy: Youtube



Marami ang nakakita sa video na inupload ng police department na umabot ng halos 5 million views at umani ng samut saring papuri sa mga netizens. Naging worldwide headline naman ang video na ito na kung saan pinahanap pa ng local media ang bata at kung saan ito nakatira upang ito ay mas makilala at makuhaan ng panayam.

Ayon sa ina ng bata na si Rosa Córdoba Angulo, mahirap lamang sila kaya hindi nila kayang makapag bayad ng kahit kuryente.

“That’s my problem since I don’t have electricity,” -pahayag nya sa Panaremicana TV.

“One day my son said ‘If I continue with the candle, I will lose my mind! I’d better go outside to finish my homework,’” – dagdag nya.

Kahit na minsan ay nangangalay na ang leeg ng bata dahil sa kakagawa ng kanyang takdang -aralin sa gilid ng kalsada, walang plano si Victor na itigil ang kanyang ginagawa matupad lamang ang kanyang mga pangarap.

“I want to help my family progress,” – sabi ni Victor na kung saan gusto nya din makatulong sa sariling bayan para matigil na ang kurapsyon sa kanilang bansa.

“I would like to be able to help my family and lift them up. I want to become a policeman and put an end to corruption.”

Panuorin: 12y/o boy does his homework

Source: DailymailUK



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *