Ito ang Kwento ng Pag-ibig ng Mag-asawang British-Filipino na mayroong 48 years age gap

Isang love story ng halos may 48 years gap na Pinay sa isang British man na kung saan marami ang tumatawag sa kanya na “mail-order bride” pero marami ang walang alam tungkol sa istorya ng buhay ni Lorie.

Courtesy: MDWfeatures/Lorie Fe Dales    



Nakilala ng 23 taong gulang na si Lorie ang 71 taong gulang na British man na si Thomas noong 2014 sa pamamagitan ng Facebook lamang. Nag simula ang kanilang love story nang makuha ni Thomas ang Profile Picture ni Lorie.

Nahulog si Thomas sa kanya na tila parang love at first sight ang nangyari para kay Lorie. Gayunpaman, may konting pag-aalinlangan pa din si Lorie sa dayuhan dahil sa kanilang napakalaking pagitan ng edad.

Courtesy: MDWfeatures/Lorie Fe Dales

Pero kahit ganun pa man, nang makilala nila ang isa’t isa, nakuha ni Thomas ang loob ni Lorie dahil sa kanyang mabuting pag uugali.

Sa parehong taon, plinano nila ang kanilang 1st date at pagkikita na ganapin sa Pilipinas kasama na din ang celebration ng birthday ni Lorie. At dun na nag simula ang kanilang pagmamahalan.

Sa kabila ng kanilang 48-year gap, hindi yun naging hadlang sa kanila upang mas paigtingin ang samahan ng sa isa’t isa.

Courtesy: MDWfeatures/Lorie Fe Dales



Simula noon, doon na nagtuloy-tuloy ang pagmamahalan nila na tuluyan nang nagsimula noong June 2016, sabay nila sinalubong ang kanilang pinakaunang anak na babae.

Sa nasa, nasa long distance relationship sina Lorie and Thomas na kasama naman ni Lorie ang kanilang anak na si Mary na naninirahan ngayon sa Pilipinas.

Gayunpaman, taon taon naman lumuluwas papuntang Pilipinas si Thomas para bisitahin ang kanyang mag ina.

Courtesy: MDWfeatures/Lorie Fe Dales

Kadalasan, tumatagal ng halos limang buwan si Thomas sa Plilipinas para makasama ng matagal sila Lorie at ang anak bago bumalik sa kanilang bansa.

Mayroon ding ups and downs ang dalawa dahil sa kanilang distansya sa isa’t isa na kung saan hindi nagiging madali para sa kanila pero sinisigurado nila na maaayos agad nila ang problema.

Courtesy: MDWfeatures/Lorie Fe Dales

Sinisigurado naman ni Thomas na lagi siyang stay-in-touch sa mag ina kaya araw araw nilang ka-skype ang mga ito.

Tanggap naman ng kanilang pamilya ang estado ng kanilang relasyon, kadalasan, nakakatanggap si Lorie ng mga negatibong kumento sa kanilang relasyon ni Thomas dahil sa age gap ng dalawa.

Sinasabi ng iba na “mail-order bride” si Lorie pero kampanteng tinatanggi naman niya naman ang mga ito.

Courtesy: MDWfeatures/Lorie Fe Dales

Isang tadhana para sa kanila ang makilala ang isa’t isa sa Facebook. Sa kabila ng kanilang age gap, naniniwala si Lorie na ang tiwala at pagiging loyal sa isa’t isa ang bumubuo sa matatag at pang matagalang relasyon.

Source: DailymailUK/Lorie fe Dales Facebook



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *