Kilalanin ang Babaeng Ito na Tinaguriang Pinakamagandang “Kargador” na Kumikita ng Limpak-limpak na pera sa kanyang Trabaho

Isang babae ang kilala sa kanyang gandang tinataglay na nag tatrabaho bilang full time transporter na kung saan naging usap usapan sa online noong taong 2017.

Image courtesy: Screenshot from Youtube



Litrato ng isang 31 taong gulang na si Zhu Qianpei na may karga-karga na mga mabibigat na kagamitan na kanyang idideliver sa kanilang mga customer ang kumalat online.

Sa unang tingin, napagkakamalan sya ng karamihan na isang sikat na aktres dahil sa kanyang ganda pero si Qianpei ay isang transporter ng mga gamit sa kanilang lugar sa isang shop alley sa Hong Kong.

Image courtesy: Screenshot from Youtube

Nung kumalat sa social media ang ibang litrato ni Qianpei noong taong 2017, marami ang lumalapit sa kanya at nag tatanong kung pwedeng makipag selfie sa kanya.

Naninirahan ngayon si Qianpei mag-isa sa Hong Kong samantalang ang kanyang ama ay naninirahan sa China habang ang kanyang ina naman ay nasa Taiwan.

Image courtesy: Screenshot from Youtube



Ayon sa Dimsum Daily, halos dekada na daw nagtatrabaho si Qianpei bilang isang transporter. Mahirap para sa kanya ang trabaho para sa babaeng katulad niya.

Gayunpaman, sinasabi nya naman na nag-eenjoy sya sa trabaho nya sa pagiging transporter na kung saan masaya siya sa marangal na trabaho na meron siya.

Sa isang interview sa kanya ng Apple Daily (Hong Kong), sabi nya rito “I’m the happiest when I’m delivering stuff.”

“I feel free, and there’s no office politics. The pay is rather good too. It’s enough for myself.”

Kadalasan, ang isang transporter sa Hong Kong ay kumikita ng mahigit HKD13,000 hanggang HKD14,000 (US$1658 – US$1785). Naka depende sa bigat na kanilang binibitbit ang kanilang pag increase sa sahod.

Image courtesy: Screenshot from Youtube

Kahit na medyo nakakapagaod ang trabaho ng pagiging transporter, sinasabi naman ni Qianpei na imbis na isipin na trabaho ang ginagawa nya, tinitingnan nya na lamang ito bilang kanyang ‘work out’.

“I look at it as exercising and training my body. But the job can get stressful at times when I have to rush to various locations and when customers tell me to hurry up and deliver the goods quickly.”

Image courtesy: Screenshot from Youtube

Alam ni Qianpei sa sarili na hindi niya kayang magtagal sa trabaho habang buhay. Kaya naman, nag paplano ang Hong Kong na kumuha ng heavy duty truck para sa pang madaliang trabaho.

Source: Engoodtimes



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *