Naluha na lamang sa lungkot ang Estudyanteng Ito Matapos Hindi Makapunta sa Kanyang Graduation ang Kanyang mga Magulang

Ang Graduation Day na siguro ang masasabi nating proudest Day para sa bawat estudyante pero para kay Jeric R. Rivas, ang kanyang graduation day ang pinakamasakit na araw para sa kanya.

Image courtesy: Jeric R. Rivas/Facebook



Kamakailan lamang, grumaduate si Jeric sa kursong Bachelor of Science in Criminology na kung saan ibinahagi nya ang bittersweet na kwento sa post nya sa kanyang Facebook account na makikita ng karamihan kung gaano kasakit para sa kanya na wala ang kanyang mga magulang sa mismong graduation day nya.

Sa kanyang Facebook post, detalyadong ibinahagi ni Jeric kung bakit wala ang kanyang mga magulang sa pinaka importanteng araw niro simula noong elementarya pa lamang siya hanggang sa makapagtapos ng kolehiyo.

“Noong ako ay nasa elementarya, nakatanggap ako ng pinakamataas na parangal bilang isa sa mga pinakamagaling na estudyante ngunit sa kasamaang palad hindi pa din nakapunta ang aking magulang at pamilya.”-jeric

“Sila ang dapat aakyat ng entablado at proud na sasabitan ako ng medal sa aking leeg ngunit nang dahil hindi sila nakapunta, hindi ko na tinanggap ang medalya.” -jeric

Image courtesy: Jeric R. Rivas/Facebook



Matapos niyang makapagtapos ng high school, umalis noon si Jeric sa kanyang bayang pinanggalingan sa Sibuyan Island sa Romblon na kung saan pinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa La Concepcion College sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Ang paglalakbay ni Jeric sa kanyang pag-aaral noon ay hindi naging madali para sa kanya na kung saan kailangan niya pang magtrabaho para may maipangbayad sa kanyang tuition fees, nagtrabaho siya sa isang factory sa Quezon, bilang fast food service crew at naging katulong din ito.

Gayunpaman, dalawa lamang ang kanyang gustong makamit, yun ay maging top graduate sa kanilang klase at makita ang mga mukha ng kanyang magulang kung gaano sila kaproud sa paglakad nya sa entablado para kunin ang diploma.

At natupad naman ang isa sa mga gusto nyang mangyari, yun ay maging top graduate student, ngunit sa kabila nito hindi naman natupad ang isa sa mga gusto niya na kung saan makadalo ng graduation ceremony ang kanyang mga magulang.

At yun ang naging rason kung bakit naging masakit ang araw na yun para sa kanya at halos pinipigilan nya na pumatak ng kanyang mga luha ng matawag ang kanyang pangalan sa entablado.

Image courtesy: Jeric R. Rivas/Facebook

“Isa-isang tinawag ang pangalan ng mga nagsipagtapos at lahat sa kanila ay kasama ang kanilang mga magulang o kapamilya na umakyat ng entablado na kung saan ako lamang ang walang kasama na umakyat. Noong tinawag na ang aking pangalan, mabuti na lamang at naroon ang aking mga professors na nagtungo sa aking kinauupuan upang ako ay samahan sa stage.” -ito ang pahayag ni Jeric.

“Habang ako ay papaakyat ng entablado, isa pa sa aking mga professor ang nakatayo doon naghihintay sa akin at binigyan ako nito ng yakap. Sa pagkakataong iyon, bahagya na nawala ang kalungkutan sa akin ngunit hindi ko pa din napigilan na tumulo ang aking mga luha sa harap ng maraming tao.”

Tinapos nya ang kanyang post sa pamamagitan ng pagpapakita ng pasasalamat sa mga professors na tumulong sa kanya.

Ibinahagi nya din kung gaano sya umaasa na sana naging proud ang kanyang mga magulang niya sa kanya sa kabila ng paghihirap na dinanas nya.

“To my parents, who up until today could not accept me in their life, if you’re reading this, this is me now and I hope I made you proud…”

Source: Jeric R. Rivas/Facebook



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *