Pasado sa Bar Exam at isang Ganap nang Abogado ang Nursing Graduate na Noo’y Hirap Makahanap ng Trabaho

Noong naka graduate si Neil Genzola sa kursong nursing noong 2009, hindi niya inaasahan na magiging mahirap ang pag hahanap ng trabaho sa hospital. Matapos ang apat (4) na taon, napag-desisyunan nya na hanapin pa lalo ang sarili.



“Sampung taon ang nakalipas, ako ay hirap na makahanap ng trabaho sa Hospital. Taong 2013 nang mapagpasyahan ko na pumasok sa Law School.” -ayon kay Neil

Ang nursing graduate na si Neil ay aminado na nahirapan noon humanap ng trabaho matapos siyang makapagtapos ng pag-aaral. At napagtanto niya na magtrabaho na muna sa isang call center.

Gayunpaman, alam ni Neil sa sarili na hindi pa huli ang lahat para sa kanya para makamit ang buhay na inaasam-asam kaya napagdesisyunan niya ulit na mag-aral ng law noong 2013.

Siya mismo ang nagbabayad ng kanyang pag-aaral sa paaralang Arellano University at lahat ng iyon ay galing sa pinaghirapan niya na halos sampung taon niya sa pagiging call center.

Image courtesy: Kristine Sabillo/twitter



Ang pagiging lawyer ang panibago niyang layunin sa buhay pero ayon sa kanya, ang pag-aaral ng law ay hindi naging madali at hindi niya inaasahan na makakapasa siya.

Noong 2018, kumuha siya ng bar exam at halos 8,155 examinees ang nakasabay niya, na nangangarap din na makapasa katulad din ni Neil.

“The exam was very difficult. And they said the passing rate was already low. It was so hard. You’ll really doubt yourself,” -Ito ang pahayag ni Neil.

Sa awa ng Diyos, ang lahat ng panalangin ni Neil ay nasagot na, na kung saan ay kasama siya sa top 22% na nakapasa sa 2018 bar exam.

“Sobrang nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pagtupad niya sa aking kahilingan na makapasa sa Bar Exam.” -ayon kay neil.

Kapag tinatanong si Neil kung ano balak niya ngayong ganap na lawyer na siya, sinasabi niya na lamang na gusto nya magtrabaho sa gobyerno.

“Nag-aasam ako na makapagtrabaho sa gobyerno upang makatulong sa mga tao na higit na nangangailangan. Nais kong maging parte ng Public Attorney’s Office o Office of the Solicitor General.” -ayon kay Neil.

Source: news.abs-cbn



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *