Isang Parking Boy ang Nag-ipon ng Barya Upang Makakain ng Samgyeopsal sa Restaurant na kung saan siya ay nagtatrabaho

Sa mundong ito, lahat tayo ay maaaring kumain ng kahit ano o saan nating gusto, magkaroon ng sariling pamamahay na kung saan tayo ay magiging kumportable at masisiyahan ang pamumuhay na alam nating tayo ay ligtas.

Image courtesy: Yumgyeopsal-Baliwag Branch/Facebook



Pero ang reyalidad, maraming tao ang namumuhay ang hindi makakain ng matinong pagkain ng tatlong beses sa isang araw. Karamihan ay naninirahan lamang sa gilid ng kalsada, ang iba naman, nakatira lamang sa gilid ng isang mataas na gusali at mga puno.

Maraming bata ngayon ang napapabayaan at hindi nagagabayan, walang magulang na magbibigay sa kanila ng kanilang pangangailangan. Ang iba naman ay inabandona na lamang at naninirahan sa gilid ng kalsada.

Sa murang edad pa lamang ay natuto na magtrabaho para kumita ng pera para may maipangpakain sa sarili. Karamihan sa kanila ay namamalimos, ang iba naman ay nagsusumikap makaipon lamang ng pera.

Image courtesy: Yumgyeopsal-Baliwag Branch / Facebook



Kamakailan lamang, ang isang parking boy ang sumikat online dahil sa kanyang pag-iipon ng pera para lamang makakain sa isang restaurant na pinapangarap niyang makainan, at maraming naantig sa naging kwento ng bata.

Ang hindi nakilalang bata na ito ay madalas na makikita sa labas ng isang Yumgyeopsal-Baliwag Branch na kumikita bilang isang parking boy.

Marami na ding beses na humihingi ang bata sa ibang staff ng nasabing branch ng tubig o ice tea man lang na handa naman silang bigyan ito ng libre.

Isang araw, nagtanong ang bata sa restaurant kung magkano ang kailangan niya para makakain sa restaurant na iyon, kahit na may polisiya ang restaurant na kapag 4 ft. mahigit ang bata ay kailangan nitong magbayad ng buong presyo ng mga tinitinda nila.

Kung saan mahigit 4ft. na ang tangkad nito. Napag desisyunan ng mga staff na bigyan ng discount ang bata na mahigit 175 pesos.

“Bumalik ang bata na may dala-dalang pera para bayaran ang offer na 175 pesos. Maaari naman ibigay ng mga staff sa kanya na libre lamang, ngunit napag-desisyunan ng mga staff na tanggapin na lamang ang pera para magsilbing aral sa buhay ito sa bata.”

“Natutunan ko din na wala namang masama kung lilibrehin mo ang iyong sarili pagdating sa pagkain paminsan-minsan at hindi ito panghinayangan, isipin mo ang batang ito na ginusto niyang kumain ng mamahaling pagkain gamit ang sariling pera, tayo pa kaya na may mas kakayahan na gumastos.”

Labag naman sa ibang tao ang naging desisyon ng restaurant na pabayarin pa din ang bata na kung saan iniisip ng karamihan na baka iyon na lamang ang natitirang pera ng bata, ang iba naman ay sang-ayon sa naging desisyon ng restaurant.

Source: UP-Daily



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *