Sumikat ang Dalawang Batang Kalye na Ito Matapos Magpamalas ng Katapatan sa Pagbalik nila ng Wallet sa May-ari

Madaming tao ngayon ang tingin sa mga batang palaboy ay salot sa lipunan dahil sa kanilang mahirap na pamumuhay at iniisipan na kayang manguha o mandukot kung kailan nila gugustuhin.

Image courtesy: Xer Yoker Facebook



Sa kabila ng iyon, dalawang bata ang naging trending dahil sa kanilang pagiging matapat na kung saan ay ibinalik nila sa may-ari ang wallet na kanilang nakita, na kahit isang sentimo ay wala silang kinuhang pera sa nasabing wallet.

Isang netizen na nag-ngangalang ‘Xer Yoker’ sa Facebook ang nag share ng mga larawan ng mga bata kasama ang wallet na napulot lamang nila. Nag caption sa isang post si Yoker ng napag usapan kasama ang mga bata tungkol sa wallet na napulot nila.

“Kuya, kuya may napulot kme wallet pero d nmin binawasan yan😂 … Mga batang mc malabon daw sila…” – pahayag ni Yoker.

Image courtesy: Xer Yoker Facebook



Habang tinitingnan ang laman ng wallet, nakita ni Yoker ang driver’s license sa loob ng pitaka. Ang pitakang nakita ay nag pagmamay-ari pala ni Sherwin Ayag Malasig na nakatira lamang sa Valenzuela City, Metro Manila.

Hindi na naibahagi ni Yoker ang iba pang impormasyon na laman ng pitaka na magagamit pa sana para mahanap ang nag mamay-ari nito. Pero ang pangunahing kwento dito ay pwedeng pwede kunin ng mga bata ang laman ng wallet para may maipangbili sila ng pagkain pero hindi nila ito ginawa.

Image courtesy: Xer Yoker Facebook

Sa halip, nagmagandang loob pa ang mga ito at naging tapat pa sila kay Yoker para humingi ng tulong para maibalik ang nawawalang pitaka sa may ari.

Hindi man nakuha ni Yoker ang mga pangalan ng mga tapat na bata, marami naman ang bumilib sa dalawang bata dahil sa kanilang pagkakaroon ng magandang loob at katapatan.

Image courtesy: Xer Yoker Facebook

Marami naman ang nagkukomento sa nasabing post na ipadala sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” na umaasang mapansin ng programa ang mga bata at mafeatured sa TV.

Sa kabila ng tingin ng karamihan sa mga batang palaboy, pinatunayan pa rin ng dalawang bata ang kanilang katapatan na mayroon sila.

Source: Xer Yoker/Facebook



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *