Hindi mapigilan ni Andi Eigenmann ang kagalakan dahil sa pagmamahal ng kanyang anak na si Ellie para sa Kalikasan

Proud na proud si Andi Eigenmann sa kanyang anak na si Ellie, lalong-lalo na at nagkaroon ito ng interes at malasakit sa kalikasan. Laging bukas si Andi sa ideya na pangalagaan ang ating kalikasan.

Image courtesy: AndiEigenmann/Instagram



Matapos niyang talikuran ang mundo ng Entertainment at mamuhay na lamang ng simple sa lugar ng Siargao, at ituon na lamang ang oras sa pagtatrabaho sa adbokasiyang itinataguyod.

Inilahad ni Andi na naging abala siya sa adbokasiyang itinataguyod at pangangampanya upang makatulong sa pangangalaga ng karagatan at kalikasan.

At sa kabila ng lahat ng galak na nararamadaman ni Andi, ang pagmamahal niya sa kapaligiran ay naipasa niya sa anak na si Ellie.

Image courtesy: AndiEigenmann/Instagram



Sa kanyang IG account, nag post si Andi ng mahaba-haba at makabuluhan na kwento patungkol sa kung paano niya at ng kanyang mga kaibigan dinala si Ellie upang libutin at tuklasin ang isla.

Ibinahagi niya dito na kung gaano siya nag-aalangan na baka hindi magustuhan ni Ellie ang kanilang mga pupuntahan ngunit laking pasasalamat naman agad ni Andi at naging maayos naman ang lahat.

Image courtesy: AndiEigenmann/Instagram

Ibinahagi ni Andi kung gaano kasaya ang anak na sa kahit walang signal ng internet sa kanilang pinuntahan ay sinulit na lamang ng bata ang pakikisama sa kalikasan. Madalas din na tumutulong si Ellie sa pagpupulot ng mga kalat sa kung may makita man itong mga kalat.

“Aking naalala din na may isang pagkakataon na nabanggit ko sa aking anak na mayroong LTE habang kami ay nasa byahe ngunit hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa kung anong kanyang ginagawa.

Siya ay masyadong abala sa paglilibot at pagtuklas sa isla, namumulot ng kalat kasama ang kanyang mga kaibigan, at hayaan na ang kanyang pagkamausisa ang mangibabaw sa aming buong byahe.” -Ito ang pahayag ni Andi.

Image courtesy: AndiEigenmann/Instagram

“Wala man ang aking gabay upang tuklasin niya ang kapaligiran, kusa niya natutuklasan at natutunan ang mga bagay-bagay tungkol sa kalikasan na ating tinuturing na tahanan. Gustong-gusto niya na nakikisama sa kalikasan.” -Dagdag ni Andi.

Tinapos niya ang kanyang post. Natutuwa naman si Andi dahil nagawa niya ang kanyang layunin bilang isang magulang “to raise my kids to have a positive outlook on life.”

Hindi matulungan ni Andi ang sarili kundi magayak na lamang “And here is proof I’ve succeeded!”

Source: Andi Eigenmann



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *