Nagbahagi ng mga bagong litrato ang mag-asawang Dingdong at Marian Dantes ng kanilang baby boy na si Ziggy

Upang ipagdiwang ang isa sa pinaka-importanteng kaganapan, nag post si Marian ng bagong litrato ng kanilang anak sa Instagram, makikitang nakatalukbong sa isang gray shawl ang bata habang naka usli naman ang mga maliliit na kamay nito. Kitang kita na sobrang sarap ng tulog nito.

Image courtesy: Marian Rivera-Dantes/Instagram



“My son,” – caption niya sa litrato. Samantala, nag post naman si Dingdong ng litrato ng kanyang cute one-month-old son sa Instagram.

Sa post na ito, makikita naman si baby Ziggy na komportableng nakahiga sa isang Ducati motorcycle saddle. Tulog din ang bata dito. Ang proud na proud na ama ay nagsulat ng mahabang caption sa anak para sa kanyang pinaka unang buwan sa mundo.

“You seem pretty comfortable on that saddle, huh? But hey, it is too big and you may only pose on it…for now,” – pahayag ni Dingdong.

“Okay sige, siguro isang araw maaari mo masakyan iyan o kaya manahin. Ngunit hindi iyon ang talaga ang nais kong mangyari o magkaroon ka.”

Image courtesy: Marian Rivera-Dantes/Instagram



Gusto lamang ni Dingdong kay baby Ziggy na pahalagan niya ang mga taong nagmamahal sa kanya at hindi ang mga materyal na bagay.

“Material things get old, expire, and tear down. I would also never give that as a gift because as beautiful as it may appear, it is, after all, just a thing.”

“Ang tanging gusto ko na makuha mo at patuloy kong ibibigay sa iyo ay ang abilidad na pahalagahan ang mga tao at relasyon mo sa kanila. Balang araw, mahahasa mo ang ganoong klaseng pagkatao at gawin itong kakaibang talento at katangian.—even far better than your forefathers.”

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Gayunpaman, kung gusto talaga ni baby Ziggy na sumakay sa isang Ducati motorcycle sa darating na hinaharap, sinisigurado naman ni Dingdong na malakas pa siya at malusog kapag tinuruan niya ang kanyang anak.

“But if you’ll seriously want to ride, I’ll make sure I am healthy enough to teach you a thing or two. That is, if your mother would even allow it. Happy first month, son.”

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Ang mga litrato ay kinunan sa Stork Studio, ipinanganak si baby Ziggy noong April 16, 2019, pangalawang anak ni Marian at Dingdong.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *