Isang Pinay Scientist ang nakaimbento ng ilaw na nagbibigay liwanag gamit lamang ang tubig at asin

Ang natatanging pangarap ni Mijeno, “Hangarin na pailawin ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas sustainably” lalong-lalo na ang mga lugar na hindi maabot ng linya ng kuryente tulad ng mga liblib na lugar at dalampasigan . Gamit lamang ang dalawang kutsara ng asin at isang basong tubig ay maaari nang umabot ng walong oras ang buhay ng ilaw na ito.

Image courtesy: Asian Scientist/ Professor of Engineering at DLSU Lipa City CEO & Co-Founder of Salt



Nang makuha ang kanyang panayam, pinaliwanag ni Mijeno na, “It is made of tediously experimented and improved chemical compounds, catalysts, and metal alloys that when submerged in electrolytes will generate electricity.” (Ang source ng impormasyon at panayam ay nagmula sa ABS-CBN.)

Ang kanyang kahanga-hangang imbensyon ay humakot ng ibat ibang parangal, nagwagi sa napakaraming kompetisyon, at pagkilala mula sa ibat-ibang organisasyon dito sa Pilipinas at maging sa labas ng ating bansa gaya ng South Korea, Japan, at Singapore.

Image courtesy: Filckr

Dagdag pa ni Mijeno na ang kanyang imbesyon na salt lamp ay ligtas sa kalusugan dahil ito umano ay gumagamit ng enerhiya na hindi nakakapinsala o nakakaapekto para sa kalikasan at paligid nito. Batid pa nito na,

“It utilizes the scientific process behind the Galvanic cell but instead of electrolytes, the salt lamp uses a saline solution.”

Kung ikukumpara naman ito sa ibang lampara, ito ay hindi nagtataglay ng kahit anumang kemikal na maaaring maging dahilan upang sumiklab ang isang apoy kung kaya ito ay masasabi na mas ligtas at kaaya-ayang gamitin. Ito ang kanyang napakagandang sinabi, “This isn’t just a product. It’s a social movement.”

Image courtesy: Asian Scientist



Ang imbentor na si Mijeno ay isang miyembro at nagtatrabaho rin ng isang environmental na organisasyon na nagbigay ng pahintulot at inisyatibo na pag-aralan at gumawa ng alternatibong enerhiya upang bigyang liwanag ang mga kabahayan na hindi abot ng serbisyo ng kuryente dahilan na din ng layo ng kanilang lugar.

“I used to be part of Greenpeace Philippines and did personal immersions/volunteers across rural communities, and there I learned so many things. Most of these people are so poor and underprivileged that they endure long hours of walking just to get kerosene for their lamps.” sabi ni Mijeno.

Image courtesy: Photo by Jilson Tiu

“Ang aming pinaka-pinagtutuunan ng pansin ay ang komunidad sa mga isla na hindi pinalad na mabigyan ng access sa kuryente at higit sa lahat, ang mga tao na walang kakayahan na makakuha ng alternatibong pinagkukunan ng elektrisidad.” -ito ang pahayag ni Mijeno.

Article source: news.abs-cbn



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *