Team Kramer, nagbahagi ng magagandang larawan mula sa kanilang bakasyon sa Boracay nitong nakaraan na Summer 2019

Kitang-kita ang ligaya sa mata ng Team Kramer nang kanilang bisitahin ang isla ng Boracay upang magtampisaw sa dagat at magbakasyon nitong nakalipas lamang na Summer Vacation.

Image courtesy: Doug Kramer/Instagram



Kahit sino ay maaaliw sa tatlong magkakapatid na talagang kinagigiliwan ng kanilang mga taga-hanga at inaabangan ang bawat litrato at videos na ipopost nila.

Gaya ng karaniwang ginagawa ng Team Kramer na pagbahagi ng kanilang bonding moments at mga litrato na nasa beach, hindi nabigo ang mga netizens na makita muli ang kanilang mga photos sa kanilang summer vacation sa Bora.

Ayon sa isang post ni Doug Kramer na haligi ng kanilang tahanan, “Family vacation also mean dating my beautiful wife,” Kasama ang napakagandang larawan ni Cheska Kramer habang hinahalikan niya ito sa pisngi at sinusulit ang view ng sunset.

Image courtesy: Doug Kramer/Instagram

“16 years, 16 Boracay sunsets! Only gets better! I love you to my one and only,”

Ito ang naging caption sa kanyang post. Kitang-kita sa bawat post ng Team Kramer na tunay nilang mahal na mahal ang isa’t-isa at nasisiyahan silang ibahagi at magsilbing inspirasyon sa ibang pamilya na sa kanila’y humahanga.

Isa sa mga bagay na hindi mo dapat kaligtaan kapag ikaw ay bibisita sa Boracay ay ang pumunta sa main island.

Kinuha ni Doug ang pagkakataong ito upang dalhin ang kanyang mga anak na sila Kendra, Scarlet, at Gavin sa dalampasigan upang maglakad. Masaya silang makita ang mga positibong pagbabago sa Boracay.

Image courtesy: Doug Kramer/Instagram



“Visited the main island! We’ve been coming here every year and the kids have also noticed the big difference in the shoreline! Even more beautiful now,” sabi niya.

Pinatunayan din ng pamilya na kaya nila ang kahit anumang pose na makikita sa mga larawan na ito.
Samantala, si Cheska naman ay nag upload ng magagandang larawan ng kanilang masayang pamilya sa beach.

Image courtesy: Cheska Kramer/Instagram

Masayang nagsasasama ang mag asawa sa loob ng 16 na taon. Pinagdiwang nila ang kanilang 10th wedding anniversary noong October taong 2018 na mayroon pang engrandeng renewal of vows kasama ang kanilang malalapit na kaibigan at kamag anak.

Article Source: Virtual Pinoy



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *