Ikinatuwa ng Marami na Ikinasal na si Bodjie Pascua sa Kanyang Longtime Bestfriend sa Edad na 64 Taong Gulang

Sino sainyo ang nakakakilala pa sa dating aktor na si Bodjie Pascua? Kung naaalala niyo pa siya, si Kuya Bodjie ay ang dating host ng isang pambatang palabas noong 90’s na “Batibot”. Nasaan na nga ba ngayon si Kuya Bodjie?

Noong nakaraang buwan ay humarap sa presscon ang host at aktor para sa kaniyang bagong Cinemalaya film na pinamagatang “Pan de Salawal” at doon niya nabanggit ang kaniyang bagong buhay at sikreto sa publiko.

Image Courtesy: edsapeoplepower

Ibinahagi ni Kuya Bodjie sa media na ikinasal na ito sa kanyang matalik na kaibigan sa edad na 64-taong gulang. Maraming netizens ang natuwa sa kanyang balita dahil sa wakas ay nahanap na ni Kuya Bodjie ang kanyang makakasama sa buhay. Kahit na hindi nagkaroon ng anak ang aktor, masaya pa din ito sa kanyang buhay ngayon dahil napangasawa niya ang kanyang bestfriend.


Image Courtesy: google.com

Nakilala si Bodjie Pascua sa “Batibot” dahil sa galing nitong magkwento na kinagigiliwan ng mga bata noong taong 90’s.

Ayon sa kanyang interview, ibinahagi ni Kuya Bodjie na sa wakas ay kaka-kasal pa lamang nito sa kanyang longtime bestfriend since 1980’s. Dahil naging on and off ang kanilang relasyon noon, nauwi rin sa kasalan matapos ang mahabang panahon na kanilang pagsasama. Dagdag pa nito na nagsama sila sa iisang bahay at napagdesisyunan nila na magpakasal na.

Image Courtesy: jbsolis

Hindi man niya nabanggit ang pangalan ng kaniyang asawa ay kapansin-pansin naman ang ilang larawan na ibinahagi ng filmmaker na si Avic Ilagan sa kaniyang Instagram account. Makikita dito ang civil wedding ng dalawa na dinaluhan ng ilan nilang kaibigan at mahal sa buhay noong buwan ng Enero, taong kasalukuyan.

Image Courtesy: google.com

Pinatunayan lang ni Kuya Bodjie na sa edad na 64-taong gulang ay hindi pa huli ang lahat para pakasalan ang taong mahal niya at nais niyang makakasama hanggang sa huling hininga.


Dahil dito ay maraming netizens ang muling nabuhayan ng loob at patuloy na umasang balang araw ay makakapiling rin nila ang taong nakatakda upang makasama nila habang buhay. Kaya maniwala tayo na kung para sa isa’t isa ang dalawang tao, kahit gaano pa katagal ang proseso ay magkakaroon rin ng right time ang kanilang pagmamahalan tulad nalang love story ni Kuya Bodjie.

Samantala, ang nasabing palabas ng aktor na “Pan de Salawal” ay naipalabas sa mga sinehan noong nakaraang buwan ng Hunyo kung saan kasama niya rito ang batang aktres na si Miel Espinoza.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *