Nakakainspire si Lola na Gumagawa ng Magarang Kasuotan Gamit ang Tatlong Daang Plastic

Ang plastic ay isa sa mga basura na hindi agad madaling matunaw kaya naman madalas ay makikita natin itong nakatambak lang sa mga basurahan at kadalasan ay nagiging sanhi ng pagbara sa mga canal na nagdudulot ng baha. Sa kabutihang palad, karamihan sa kawani ng gobyerno pati na rin mga pribadong sektor ay gumagawa na ng paraan para mabawasan ang pagdami ng plastic na basura.

Kaugnay nito, isang babae na nagmula sa Italya ang kamakailan lang ay pinag-usapan sa internet nang makagawa siya ng isang kasuotan na gawa sa mga plastic bags.

Image coutesy: businessinsider

Nakilala ang naturang babae bilang si Rosa Ferrigno, 75-taong gulang at kasalukuyang nakatira sa Amerika.



Ayon sa balita, nagsimula di umano ang pagkahilig ni Ferrigno sa ganitong gawain simula noong nakaraang taon nang may makita siyang isang babae na may dalang bag na gawa sa plastic. Agad siyang naghanap ng paraan at inaral kung paano ito ginagawa hanggang siya mismo ay makagawa ng sarili niyang bag.

Image courtesy: businessinsider.sg

Hindi naglaon ay natutunan na ni Ferrigno ang proseso kung papaano mapapakinabangan pang muli ang mga plastic na naiipon niya mula sa pamilihan. Sa katunayan ay nakagawa na siya ng isang jacket mula sa 170 pirasong plastic at 140 naman para sa isang palda. Maliban dito ay nakagawa rin siya ng isang buong damit gamit ang 300 pirasong plastic!

Image Courtesy: today

Sa unang tingin ay hindi mo aakalain na ang mga produkto ni Ferrigno ay gawa sa mga patapong plastic. Mabusisi kasi ang pagkakagawa dito at sinisigurado niya na pulido ang kaniyang mga likha.


Image Courtesy: today

Ayon pa sa kaniya, umaabot ng halos dalawang buwan bago matapos ang isang proyekto dahil isa-isa niyang ginugupit ang mga plastic saka ito pinagbubuhol para magmukhang sinulid. Kapag naihanda na niya ang lahat ng ito ay saka pa lang siya makakapagumpisang magtahi. Maliban dito ay nilalagyan niya rin ng tela ang loob na bahagi ng plastic upang mas lalo pa itong maging matibay at maging komportable kapag ginamit.

Image Courtesy: democratandchronicle

Tunay ngang kamangha-mangha ang talento at tiyaga na ipinamalas ni Ferrigno kaya naman hindi nakakapagtaka na maraming tao ang humanga sa kaniyang mga gawa.

Ikaw, mayroong ka bang ibang naiisip na paraan kung papaano magagamit pang muli ang mga plastic na basura?


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *