Natupad rin ang pangarap ni Ronnie Liang na maging isang Piloto ng Eroplano

Si Ronnie ay isang sikat na artista at namayagpag na rin sa larangan ng musika. Ang singer na si Ronnie Liang ay malapit na ding maabot ang pangarap niya mula ng siya ay bata pa na maging isang piloto.

Image courtesy: Ronnie Liang/Instagram



Inilahad ni Liang sa isang panayam na kasalukuyan siyang nag-aaral sa isang flying school upang makamit ang kanyang pangarap.

Ang kanyang pangarap na maging piloto ay ay nagsimula noong siya at ang kanyang ama ay nagwawalis sa may kalsada at nakakita siya kasama ang kanyang kapatid ng eroplanong lumilipad sa himpapawid.

Image courtesy: Ronnie Liang/Instagram

Ito ang naging maikling paguusap niya ng kanyang ama:

Ronnie: “Tay, yan ang pangarap ko.
Tatay: “Ang taas naman ng pangarap mo?”

Yung the way he delivered, doubtful siya. Kasi unang-una, we’re not financially okay during that time tapos magastos yung course. -ito ang pahayag ni Liang.

At dahil dun ay pinagpaliban muna niya ang kanyang pangarap at kumuha ng ibang kurso sa kolehiyo. Ayon kay Liang ay nagkaroon siya ng 6 na trabaho upang suportahan ang kanyang pag aaral sa kolehiyo.

Image courtesy: Ronnie Liang/Instagram



Sabi niya sa isang hiwalay na panayam sa GMA Network na sanay siyang magtrabaho sa mga fastfood at Video city habang nag aaral. Naging delivery boy rin siya ng tubig sa isang water refilling station, seller ng herbal products, at part time model din kung weekends.

Kinalaunan ay sumali siya sa isang singing competition kung saan siya nadiskubre at naging daan niya sa kanyang showbiz career. Ngayong siya at ang kanyang pamilya ay hindi na naghihirap sa pinansyal at nagdesisyon siyang mag aral muli upang maging piloto.

Image courtesy: Ronnie Liang/Instagram

Sinabi niya na malapit na siyang matapos sa kanyang private pilot course. Dagdag pa ni Ronnie na habang siya ay nag-aaral, mayroong kumuha sa kanya na Aviation company upang gawin siyang endorser, pag-aaralin nila si Ronnie at magandang bagay na din na ka-tie-up nila ang school ni Ronnie.

Ayon kay Liang ay kailangan niya ring kumuha ng exam para makakuha siya ng lisensya mula sa the Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). Ang CAAP ay magkahalintulad sa LTO na kung saan uupo ang officer ng CAAP, papaliparin ni Ronnie ang eroplano at itse-tsek ang kanyang kakayahan sa pagpipiloto ng eroplano.

Image courtesy: Ronnie Liang/Instagram

Sinabi rin ni Liang na tinago niya ito sa kanyang pamilya. Wala ni isa sa kanyang pamilya ang may alam na siya pala ay nag aaral na upang maging isang piloto upang kahit siya ay mabigo ay walang makakaalam nito.

“Kaya during that time wala muna akong sinabihan. Kahit family ko, hindi nila alam for few months po. Naka-two to three months po ako, ‘yung grounds. Tapos nagpalipad na ako nitong March,” ayon kay Ronnie.

Source: Mr. Ronnie Liang



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *