Tila isang Kakaibang Tadhana ang Kwento ng Ngayo’y Mag-asawang Magkasabay ng araw na Ipinanganak sa iisang Hospital

Sino nagsabing hindi totoo ang fairytale?! Ang nakakakilig na mag-asawang ito ay ipinanganak sa parehong ospital at oras lamang ang pagitan ng sila’y isilang ay ngayo’y malapit ng ikasal. Totoo ngang itinadhana sila sa isat isa.

Image Courtesy: Shauna Gracey / SWNS



Ang lovebirds na sila Shauna Gracey at ang kanyang asawa na si Tom Maguire ay parehas na ipinanganak 26 na taon na ang nakalipas na oras lamang ang pagitan- noong December 22, 1992 sa Hospital ng Billinge na ngayon ay sarado na.

Si Shauna ay ipinanganak na 13 na linggong premature, at si Tom ay ipinanganak 7 oras ang nakalipas. Simula noon, nagkaroon na sila ng di maipaliwanag na koneksyon sa isat-isa.

Hindi man sila nagkakatagpo, ngunit nang dumating ang boxing day noong taong 2010, nakatira lang pala sila pareho sa Wigan, Greater Manchester buong buhay nila at milya lang ang pagitan sa isa’t isa.

Hindi sila nagkikita hanggang isang araw pinakilala sila ng isa sa kanilang kaibigan sa isang party 9 na taon na ang nakakalipas, doon na nagsimula ang panimulang yugto ng kanilang pag-iibigan.

Image Courtesy: Shauna Gracey / SWNS

Si Tom na isang engineer ay nakasuot na para bang isang ninja, si Shauna naman ay isang magandang Mini Mouse.

Pero hindi love at first sight ang tema ng dalawa (hindi man lang nakita ni Shauna ang mukha ni Tom!) Kaya kailangan ni Tom gumawa ng paraan para ligawan at mapaibig niya ang dalaga.

Nagkasama sila at may pagkakataong nahalikan na ni Tom si Shauna ngunit hindi parin ito sapat upang masigurado na niya ang matamis na Oo ni Shauna.

Image Courtesy: Shauna Gracey / SWNS



Ang pagpupursige ni Tom ay nagbunga nang sila ay maging opisyal na magkasintahan noong April 2011. At parehas silang hindi makapaniwala na pinanganak sila na oras lang ang pagitan sa iisang ospital at ngayon ay magkasintahan na.

Sabin ng nurse na nag asikaso kay Shauna na ang ganung klaseng pangyayari ay “one in a million” at naramdaman niyang “like it was fate that we met”. Aww!

“He [Tom] was adamant we were going to be together and would tell me he loved me,” sabi ni Shauna.

“I told him that were just friends and that we would never end up together, I just wasn’t interested.”

It was like magic!” Nahulog na nga siya sa kanya.

“But one night we were out and I just looked over and saw him and thought ‘oh my God I really like him’,” paliwanag niya.

Image Courtesy: Shauna Gracey / SWNS

Naglakas loob na si Tom at lumuhod na siya sa harapan ni Shauna para sa isang napakahalagang tanong habang sila ay nasa isang surpise romantic trip sa Rome noong October 2016.

Ngayon, ay nasisiyahan silang makita ang reaksyon ng mga tao sa kanilang fairytale story. Isang napakagandang istorya sa kanilang pag iisang dibdib.

“I think it’s so nice that we were born on the same day in the same place,” sabi ni Shauna.

“I love telling people and seeing their reactions.”

Dagdag pa ni Tom, ”The story of how we met is definitely weird… all the funny coincidences make the relationship that extra bit special, definitely.”

Image Courtesy: Shauna Gracey / SWNS

“People we speak to about it love to hear the story.” Congratulations sa magkasintahang to at sana ay maging masaya sila sa kanilang pagsasama.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *