Inuwi ng Isang Nakayapak na Bicolanang Runner ang Gintong Medalya sa Palarong Pambansa 2019

Walang sapatos? walang problema! Isang babaeng atleta sa running event na si Lheslie De Lima ang walang reklamong tumakbo na para bang ang Gold Medal ay naghihintay para lamang sa kanya sa finish line.

Image courtesy: Lheslie de Lima/Facebook



Nangyari nga ito. Siya ay nanalo ng Gold Medal at nadepensahan niya ang kanyang secondary girls 3000-meter title sa 2019 Palarong Pambansa sa Davao City nito lamang April 29.

Si De Lima na ipinanganak sa Bicol Region ay tumakbo sa karera na may plasters lamang na nakabalot sa kanyang paa. Hindi ito dahil sa wala siyang sapatos na pwedeng gamitin, ito ay dahil mas komportable siya tumakbo ng nakayapak lamang. Nakakamangha.

Pinilit din siya ng kanyang coach na pasuotin ng sapatos pero tumanggi siya; mabigat para sa kanya ang sapatos.

Ang grade 9 na estudyante na nag aaral sa Baao National High School ay nanalo rin sa parehong palakasan noong nakaraang taon kung saan inilahad niya na sanay na siyang mag ensayo ng nakayapak lamang.

Image courtesy: Lheslie de Lima/Facebook



Natapos ni De Lima ang karera sa loob lamang ng ng 10 minuto at 22.4 segundo para sa gold medal, at ang sumunod sa kanya ay nakatawid sa finish line 10 segundo matapos siya.

“Kinabahan po ako pero binigay ko na lahat. Saka binilang ko na po ‘yung ikot ko,” sabi niya; Tinutukoy niya yung nakaraang taon kung saan siya ay tumakbo pa ng sobrang isang lap.

“Patuloy lang ako sa pagtraining dahil ang Palarong Pambansa ay mataas na antas ng kompetisyon.” Dagdag pa ng atleta na nagbigay inspirasyon sa marami.

Maraming atleta na sumasabak sa ganitong mga patimpalak ang kagaya ni Lheslie na mas kumportable na magyapak lamang kaysa magsapatos.

Image courtesy: Lheslie de Lima/Facebook

Dahil narin siguro sa kadahilanang ang mga mahihirap na kababayan natin ay hindi na kaya pang bumili ng sapatos para sa kanilang mga atletang anak. Pero ang kwento ni Lheslie ay patunay na hindi ito hadlang upang magtagumpay.

Source: Tempo, Sports Inquirer



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *