Kahanga-hanga ang karangalan na nakamit ng Filipina na nagtapos sa Thailand University

Isang Pinay ang nagtapos kamakailan lamang at nagkamit ng pinakamataas na parangal sa isang Unibersidad sa Thailand. Si Nicole Louise Nicolas Poblete ay nagtapos bilang summa cum laude sa Ramkhamhaeng University (RU) Institute of International Studies sa Bangkok, Thailand.

Image courtesy: PinoyThaiyo



Nakapagtapos si Poblete ng degree sa Mass Communication major in Radio and TV Broadcasting at Ramkhamhaeng University (RU); ang pinakamalaking pampublikong unibersidad sa Thailand na mayroong humigit sa 430,00 na estudyante.

Ibinahagi ni Poblete na 21 taong gulang lamang kung gaano siya kasaya.
Sinabi ni Poblete sa isang lehitimong source na ABS-CBN,

“Hindi lahat ay nagkakaroon ng pagkakataon na mabigyan ng pribelihiyo upang magkaroon ng edukasyon. Kung ikaw ay mapalad sa buhay at may kakayahan na makapag-aral, sulitin mo ito at pasalamatan.”

Image courtesy: PinoyThaiyo

Lumaki si Poblete sa Laoag City kasama ang kanyang mga magulang bago sila lumipat ng Thailand bilang mga misyonaryo. Si Aldrin, ang ama ni Poblete ay isang senior pastor sa Every Nation Church Bangkok. Bukod sa pagtatrabaho sa loob ng simbahan ay nagtuturo rin ang kanyang ina.

Inalala ni Poblete ang kanyang mga karanasan upang makapag adjust sa bagong buhay nila sa Thailand. Sabi niya,

Image courtesy: PinoyThaiyo



“Nahirapan talaga akong mag-adjust sa culture at language noong una. My friends and the people I’ve met, sila talaga tumulong sa akin.”

Si Poblete ay isang consistent honor student mula elementarya hanggang sa high school sa kanyang dating paaralan sa Laoag.

Image courtesy: PinoyThaiyo

Nagbahagi siya ng isang maikling paalala para maabot ninuman ang kanilang pangarap,

“Ang aking paalala pagdating sa tagumpay ay ang wag maghintay na maging madali ang buhay kasi kung ‘yun ang hinihintay n’yo, wala tayong mapapala.”

Bilang isang kristiyano ay inaalay niya ang kanyang tagumpay sa Panginoon at nangakong maglilingkod sa iba. Sabi ni Poblete sa Pinoy Thaiyo,

“Ang kahalagahan ng edukasyon ay hindi upang maging matalino lamang ang isang tao. Ang panginoon ay biniyayaan tayo ng mga talento at abilidad upang gamitin, ultimately, for His plan; that is where education comes in, to hone our God-given skills to serve a purpose greater than ourselves.”

Source: PinoyThaiyo



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *