Kinakiligan ang isang Napakagwapong Med Student ng mga Netizens

Isang larawan ng napakagwapong first year na medical student ang nagkalat sa social media. Ang larawang ito ay kuha sa isang medical mission sa Pandi, Bulacan. Siya ay si Adrian Insigne, kilala bilang isang social media star at sumikat sa modeling at kanyang mga lifestyle photos.

Image courtesy: Adrian Insigne/Instagram



Ang litrato ng isang first year medicine student habang nagsasagawa ng isang simpleng operasyon, kamakailan lamang ay nagtrending nang dahil sa kanyang kakisigan at magandang mukha; na nagdulot ng kilig sa mga netizens.

Nagsabi pa sila na kung pwede ba silang magpagamot sa cute na med student. Aantayin daw nila na maging isang ganap na doctor si Adrian para makapagpagamot dito.

Pabiro pang sinabi ng isang netizen na, “Kapag ganyan ‘yung mag-a-assist sa ‘yo parang gusto ko nang mag-donate ng dugo pati puso,” Komento ng isang netizen.

Image courtesy: Adrian Insigne/Instagram



Ayon sa isang lehitimong source na KMJS, ang gwapong estudyante na ito ay si Adrian Insigne. Di umano, ang litrato ay kuha sa Pandi, Bulacan kung saan si Insigne ay isa sa mga volunteers.

Sa nasabing medical mission ay maraming nakapansin sa kanyang kagwapuhan at taglay na tikas at pagiging propesyonal sa kanyang trabaho kahit na siya ay volunteer pa lamang.

Sabi ng medical student, “Natutuwa ‘yung bata kasi mas kinakabahan pa ako sa kanya. Malakas ang loob ng bata eh. So reding-redi na siya. Tumitingin ‘yung bata ‘marunong ba ‘to?’ Syempre kabado ako.”

Image courtesy: Adrian Insigne/Instagram

Si Insigne ay nagtapos ng BS Biology sa University of Sto. Tomas. Siya ay isang sikat sa social media at kilala bilang isang modelo at sa kanyang lifestyle photos kung saan makikita ang kanyang mga ginagawa kung paano niya alagaan ang kanyang katawan.

May mga pagkakataon talaga na madali tayo maattract sa mga may magaganda at maaayos na hitsura sapagkat doon natin makikita na maalaga sila sa kanilang katawan.

Gayunpaman, kailangan nating itatak sa ating isipan na mas mainam pa rin na tumingin tayo sa panloob na pagkatao ng isang indibidwal.

Source: Adrian Insigne/Instagram



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *