Siya ang Henyong Bata mula sa Mexico na naging Psychologist sa Edad na 13

Batang 13 taong gulang, tinanghal na pinakabatang psychologist sa edad na 13 at nakapasok ng Harvard sa edad na 17.

Image courtesy: Centro de Atencion al Talento/Facebook



Isang dalaga sa bansang Mexico ang gumawa ng ingay nang maging pinakabatang psychologist sa buong mundo. Siya si Dafne Almazan; isang napakatalinong bata na naging psychologist sa edad lamang na 13.

Ang “super genius” na batang ito ay natutong magbasa at sumulat noong siya ay 3 taon pa lamang. Natapos niya ang high school sa edad na 10. Sa kasaysayan, siya ang pinakabatang estudyante na nakapasok sa isang Unibersidad sa Mexico.

Image courtesy: Centro de Atencion al Talento/Facebook

Matapos ang tatlong taon sa edad lamang na 13, si Almazan ay nagtapos ng Bachelor’s degree sa Monterrey Institute of Technology and Higher Education (ITESM); at tinanghal na pinakabatang psychologist sa buong mundo.

Para madagdagan pa ang kanyang kahanga-hangang nagawa ay mag-aaral pa siya sa Harvard University sa edad na 17. Nakatakda siyang maging kauna unahang Mexican na makapag-aaral ng post graduate program sa Harvard University sa edad na 17 sa loob ng 100 na taon.

Image courtesy: Centro de Atencion al Talento/Facebook



Ang henyong batang ito ay ibinahagi sa Mexico News Daily ang kanyang mga plano sa hinaharap. Sabi ni Almazan,

“My plan is to design and work with models for teaching mathematics to gifted children, which is one of the focuses of the degree.”

Sinabi rin ni Almazan na sana ay mas mapadali pa ang ang Math para sa mga estudyante. Sabi niya,

“We always consider Math difficult, but it’s something that’s part of our lives and we need strategies so that we can teach [the subject] and get children interested.”

Image courtesy: Centro de Atencion al Talento/Facebook

Plano rin ni Almazan na magtapos sa kanyang Harvard program sa loob lamang ng isang taon, na sa edad na 18 ay makakasama na siya sa mga tanyag na estudyanteng nakapag aral sa Harvard.

Mayroon siyang kahanga hangang IQ na 130, mahilig din siyang tumugtog ng piano at magturo ng mandarin sa mga bata. Hilig niya ring mag ballet, sa gymnastics, ice skating, taekwondo, oil painting, at bihasa rin siya sa apat na lingwahe.

Image courtesy: Centro de Atencion al Talento/Facebook

Kinilala si Almazan sa buong mundo dahil sa kanyang mga nakamit. Meron siyang dalawang professional certificates galing sa Harvard centering on gifted education.

Noong taong 2016 ay kinilala si Almazan na isa 50 Most Powerful Women in Mexico. At noong isang taon ay tinanggap niya ang Mexico City’s Youth Award.

Source: WomenintheWorld



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *