Netizen na Gumuhit ng “Imaginary Crush” niya noon, tila kamukha ng kanyang napangasawa ngayon

Bihira lamang sa atin ang makatagpo ng kanilang dream partner sa totoong buhay dahil ang mga ganitong pangyayari ay napaka imposible dahil sa dinami-daming tao sa mundo. Subalit may iilan sa atin na pinalad at nakatadhanan na makasama at makilala ang kanilang dream partner sa totoong buhay.

Ang sarap nga naman siguro kung ang iyong pinapangarap na partner noon ay makikilala mo sa realidad na buhay, hindi ba? Tulad nalang ng netizen na ito na ibinahagi ang kanyang istorya tungkol sa kanyang dream guy noong bata pa lamang siya.

Image Courtesy: facebook/ayenggggg



Nag-viral ang post ni Ariadne Daluz sa kanyang Facebook post matapos niyang ibahagi ang isang napaka cute throwback photo ng kanyang drawing noong siya ay nasa elementary pa lang.

Image Courtesy: facebook/ayenggggg

Ayon sa kanyang post, mahilig itong magdrawing noong siya ay nasa Grade 6 pa lamang kasama ang kanyang bestfriend na si Unis.

Image Courtesy: facebook/ayenggggg

Matapos ang ilang taon, nagkita ulit ang dalawang magkaibigan sa debut party ni Ariadne at doon lamang naalala ni Unis ang drawing noon ni Ariadne. Nakita ni Unis ang drawing noon ni Ariadne at nagulat ang dalawa dahil kamukhang kamukha ng boyfriend ni Ariadne ang nasa drawing.

“Nung grade 6 ako (year 2005-2006) mahilig kami magsulat ng stories ni Unis (bestfriend ko when i was in grade school). Bukod doon, nagdo-drawing din kami ng kung ano-ano. As in random.”

Image Courtesy: facebook/ayenggggg



One time I decided to draw a boy. Sabi namin iddraw namin yung “dream boy” namin, na hindi pa namin nakikita, na never pa naming na-meet. Random. Imaginary crush ganun.

Image Courtesy: facebook/ayenggggg

“After a few years, we separated ways. College na kami. Bigla siyang nagpm sa akin. Nakita niya kasi si Larnille nung debut ko.”

I met Larnille last 2011.

I guess destiny played its part (in a cute way). Never knew na si “Imaginary Crush” ko nung grade 6 will eventually look exactly like my husband.”

Image Courtesy: facebook/ayenggggg

Kung titignan ngang mabuti ay kamukhang-kamukha ng nasa drawing ang asawa ngayon ni Adriadne na si Larnille. Tila ba isang destiny ang nangyari sa kanyang buhay nang marealize niya na ang kanyang asawa pala ang dream guy na iginuhit noong siya ay bata pa lamang.

Image Courtesy: facebook/ayenggggg

Maraming netizens ang kinilig sa kanyang post at may iilan ang naniniwala pa rin sa destiny kung saan mayroong nakatadhana talaga sa atin na makakasama natin sa ating buhay.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *