Hinangaan ang mga Bata sa Paggawa ng Flower Ornaments na Galing Recycled na Basura at mga Plastic Bottles

Ang plastic ang isa sa pinaka unang sumisira sa ating enviroment ngayon kaya naman marami na ang nababahala sa magiging epekto nito sa ating kapaligiran kung lumipas ang ilang taon.

Ito ngayon ang pangunahing perwisyo sa mga tao at ito ang nais magawan ng paraan ng ating gobyerno upang hindi madagdagan ang plastic na basura sa ating bansa. Kaya naman napakarami na rin ang tumutulong upang mabawasan ang paggamit ng plastic at marecycle ang mga ito subalit marami pa rin sa atin ang hindi marunong mag-recycle ng plastic at umiwas sa paggamit nito.

Kaya isang inspirasyon sa karamihan ang ginawa ng mga elementary students na ito sa Babatngon, Leyte na hinangaan ng mga netizens dahil sa pagtulong nila makabawas sa mga plastic sa kanilang lugar at makadagdag ng pondong pera para sa kanilang paaralan.

(Image Courtesy: Shellarica Arinto)



Kinakailangan ng kanilang eskwela ng pondo o ipong pera para sa kanilang school paper kaya naman tumulong ang mga elementary students na ito na ipunin ang lahat ng mga plastic bottles na basura. Pagkatapos ay kanilang hinugasan ang mga ito at nilinisan upang gamitin sa kanilang proyekto.

(Image Courtesy: Shellarica Arinto)
(Image Courtesy: Shellarica Arinto)

Tinulungan sila ng kanilang guro na gumawa ng mga flower ornaments at alkansya galing sa mga basurang plastic bottles na kanilang nilinisan. Bukod pa rito, nangolekta sila ng mga lumang damit na hindi na isinusuot at ibenta itong muli sa mababang presyo.

(Image Courtesy: Shellarica Arinto)



Ibinahagi ni Shellarica Arinto ang mga larawan ng mga estudyante matapos ang kanilang paggawa sa mga flower ornaments. Ang ilan ay ibinenta ang mga ito sa kanilang mga kapitbahay upang makadagdag sa pondo ng kanilang school paper.

(Image Courtesy: Shellarica Arinto)
(Image Courtesy: Shellarica Arinto)

Marami ang natuwa sa kanilang mga flower ornaments na ginawa dahil hindi mo aakalain na plastic at basura lamang ang mga ito. Kaya naman hinangaan ang mga bata sa social media dahil sa pagiging malikhain at sa tiyaga sa paggawa ng mga flower ornaments. 

(Image Courtesy: Shellarica Arinto)
(Image Courtesy: Shellarica Arinto)

Nakakatuwa nga naman talaga ang mga ganitong pangyayari kung saan makikita mo paunti-unti ay natututo tayong maging responsable sa ating kapaligiran. Ang pagbabago ay hindi lamang magsisimula sa mga bata, kundi dapat ito ay magsimula sa mga nakakatanda upang matutunan ng mga kabataan na kailangan nating pangalagaan ang ating environment.

Source: Facebook



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *