Ibinahagi ng aktres na si Melai Cantiveros Kung Paano Niya Disiplinahin ang Kanyang mga Anak

Si Melai Cantiveros ang isa sa pinakakilalang komedyante sa Showbiz Industry dahil sa kanyang napakabait at nakakatuwang aura sa tuwing ito ay magsasalita sa harap ng media. Makikita sa kanyang mga Instagram posts ang mga funny captions niya na talaga namang benta sa mga netizens. Subalit alam niyo ba na pagdating naman sa pagdidisplina sa kanyang mga anak na sina Mela at Stella, mayroon din pala itong pagka-strikto upang matutunan ng kanyang dalawang babaeng anak ang respeto at pagsunod sa magulang.



Kamakailan ay ibinahagi ni Melai Cantiveros kung paano niya disiplinahin ang kanyang mga anak kung mayroon silang nagawang hindi mabuti sa isa’t isa. Ayon kay Melai, noong sila ay mga bata pa lamang ng kanyang kapatid ay dinidisiplina na sila ng kanilang mga magulang kung saan pinapaluhod sila sa asin sa tuwing mag-aaway sila.

Image Courtesy: instagram/mrandmrsfrancisco/

Ngayon sa kanyang mga anak, natutunan din yang disiplinahin ang mga bata sa pamamagitan ng kanyang paraan. Ibinahagi ni Melai ang isang litrato sa kanyang Instagram account kung saan nakaluhod sina Mela ast Stella habang naka harap sa pader ng kanilang kwarto.

Image Courtesy: instagram/mrandmrsfrancisco/

Sa kanyang caption, “Karun kay English na #FaceTheWall na, sabay japun Ampo ug sorry sa usag usa, tapos realization nganu giparusahan, para makakat on, ug pohon mangadagko sila, mudako nga naay maayu nga pamatasan.”

Image Courtesy: instagram/mrandmrsfrancisco/

Ayon sa aktres, pinapaluhod niya ang mga ito pero wala ng kasamang asin at pinapa-face the wall niya ang mga bata sa tuwing sila ay nag-aaway. Ito ang pagdidisiplina ni Melai sa dalawang anak upang maipatindi niya sa mga bata kung ano ang mali na kanilang nagawa. Ipinaliwanag din ni Melai na sa tuwing didisiplinahin niya ang mga ito ay ipapaintindi niya at kakausapin ang mga anak upang hindi na nila ito muling gawin.

Image Courtesy: instagram/mrandmrsfrancisco/



Itinuturo din niya na importante ang paghingi ng sorry sa isa’t isa matapos ang parusa at marealize ng mga bata ang maling gawain nang sa gayon ay hindi na nila ito ulitin.

Image Courtesy: instagram/mrandmrsfrancisco/
Image Courtesy: instagram/mrandmrsfrancisco/

Marami ang humanga sa post ni Melai tungkol sa kanyang pagdidisiplina sa mga anak. Ang iilan naman ay nagagalit sa aktres kung bakit pa ito pinost sa kanyang Instagram post. Subalit ano man ang reaksyon ng mga netizens, ang tamang pagdidisiplina ay naka-sang ayon pa rin sa mga magulang dahil sila lamang ang nakakakilala sa kanilang mga anak.

Mahal na mahal ni Melai ang kanyang mga anak kaya niya tinuturuan ng leksyon ang mga ito upang sa ikabubuti na rin ng mga bata. Maaaring ito ang paraan ng kanyang pagdidisiplina at ibinabahagi lamang niya ito sa kanyang account ng walang masamang intensyon.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *