Ibinahagi ng Asawa ni Alfred Vargas ang Biglaan na Kasalan Nila Noon Kahit 5 Months Pa Lamang Sila Bilang Magkasintahan

Matapos ibahagi ni Alfred Vargas ang kanyang mga anak sa publiko, ibinahagi naman kamakailan ng kanyang half-Filipina at half-Italian na asawa na si Yasmine Espiritu ang kanilang lovestory kung paano sila ikinasal matapos ang ilang buwan lamang na pagsasama.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi nito kung paano sila biglaang nagdesisyon na magpakasal ni Alfred noon.

“Years ago, I was this 22-year old girl from Italy who knew no one here in Manila. Alf was 30 and we were preparing to have our own family.”

“I woke up one morning and Alf told me that he wanted us to get married.”

(Image Courtesy: instagram.com/yasmine_vargas2307)



Ayon sakanilang dalawa, madalas na daw nilang pag-usapan ang kanilang kasal kahit noong una palang silang magkasintahan. Matapos ang kanilang limang buwan na pagsasama bilang girlfriend-boyfriend, nagpropose na agad si Alfred sakanya at binigyan na ito ng singsing.

Napakasimpleng kasalan lamang ang naganap kung saan ang wedding gown ni Yasmine ay binili lamang niya sa mall noong gabi bago araw ang kanilang kasal. Habang si Alfred naman ay sinuot lamang ang kanyang suit na madalas niyang suotin sa kanyang trabaho.

(Image Courtesy: instagram.com/yasmine_vargas2307)

Hindi rin sila nag-hire ng professional photographer sa kasalang ito. Hindi man din nila nakasama ang magulang ni Yasmine at tanging pinsan niya lamang ang nakapunta.

“It was just me, Alf, my mom-in-law, Peeyem (my brother in-law) my cousin and our ninong and ninang.”

Kahit ang pamilya ni Alfed ay hindi rin daw kumpleto dahil mayroong trabaho ang mga ito dahil weekday nila ginanap ang kasal.

(Image Courtesy: instagram.com/yasmine_vargas2307)



“I remember my cousin crying and then I also cried, we exchanged vows, signed the papers and then it was done.”

“It wasn’t the romantic wedding I’ve dreamed. But while standing there beside Alf, I knew I could never love anyone as much as I love him. And i felt blessed to be married to my soulmate.”

(Image Courtesy: instagram.com/yasmine_vargas2307)

Matapos silang ikasal, bumalik na ang dalawa sa quezon city dahil mayroon pang trabaho si Alfred. Kahit na hindi rin sila nakakain lunch o nakacelebrate noong araw na iyon, masaya naman si Yasmine na ikinasal siya sa taong mahal na mahal niya.

Simula pa lang noong una ay pribado na ang relasyon ng dalawa subalit ayon kay Alfred, hindi naman raw nila ito itinatago.

(Image Courtesy: instagram.com/yasmine_vargas2307)

Pinili lang ng kanilang mga magulang gawing pribado ang kanilang relasyon dahil nanggaling sa isang konserbatibong pamilya si Yasmine. Gusto lamang ng kanilang magulang ma-enjoy nila ang kanilang marriage na malayo sa spotlight o sa media. Ngayon ay happily married ang dalawa at nagkaroon sila ng church wedding noong July 22, 2018 kung saan ito na ang pinagplanuhan nilang kasalan na pangarap ni Yasmine.

(Image Courtesy: instagram.com/yasmine_vargas2307)

Ang pagpapakasal minsan ay hindi nangangahulugan na kailangan maging engrande ito o maging bongga, kung ang dalawang magkasintahan ay hindi pa handa sa ganitong klase ng kasalan ay pwede naman silang magpakasal muna ng simple o ng civil wedding at huwag madaliin kung hindi pa kaya ng budget o ng panahon kagaya ng ginawa nina Alfred at Yasmine!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *