Nakiusap sila sa mga bisita ng kanilang kasal na School Supplies na lamang ang ibigay upang kanilang maipamahagi sa mga batang nangangailangan

Ang sarap nga naman sa pakiramdam ang pagbibigay o pagbahagi ng iyong blessings sa iyong kapwa lalo na kung ito ay bukal sa iyong puso. Karaniwan ang pagbibigay tulong ay mula sa mga donasyon o charity events na ginaganap sa iba’t ibang komunidad.

Karaniwan sa isang kasalan, ang pagreregalo ng mga guests sa bagong kasal ay mga appliance, gamit at pera na siyang maaari nilang magamit sa kanilang buhay mag-asawa. Mayroon pa tayong tradisyon kung saan sasabitan ng pera ang bagong kasal habang sila ay sumasayaw bilang regalo na rin at panimula sa kanilang buhay.

Subalit alam niyo ba mayroong kakaibang wedding ang pumukaw ng damdamin ng mga netizens dahil sa kanilang kakaibang idea sa pagbibigay at pagtanggap ng regalo.

(Image Courtesy: abcnews.go.com/US/)



Sila ay sina Matt Cameron at Kelli Davis, ang bagong mag-asawa na nakilala sa kanilang kakaibang idea sa pagtanggap ng wedding gifts. Naisip ng dalawa na imbes na appliance o pera ang ibigay ng kanilang mga guest, nirequest nila ang mga ito na na magbigay na lamang ng mga bag at school supplies dahil ibabahagi nila ang mga ito sa mga bata.

(Image Courtesy: abcnews.go.com/US/)

“Being a teacher, I put my heart and soul into the kids, and you try and give and give to them… How wonderful it was that we were able to do that, take something that was about us and help others,” Pagbabahagi ni Kelli.

“The kids who get the backpacks will be excited for that first day of school, and excited that they have that new backpack and new supplies, and are ready to start the school year.”

Napili ng mag-asawa ang Booker T. Washington Elementary School sa Tampa, Florida bilang kanilang eskwelahan na susuportahan.

(Image Courtesy: abcnews.go.com/US/)



Gumawa ng personalized wedding invitations ang mga ito at ibinigay sa kanilang guests kung saan naka-note na mas prefer ng mag-asawa ang backpacks at school supplies kaysa sa ibang regalo. Inilagay din nila ang ilang impormasyon ng mga bata na pagbibigyan tulad ng gender, grade level at size ng kanilang mga damit.

(Image Courtesy: abcnews.go.com/US/)

Sa araw ng kanilang kasalan, tuwang tuwa ang dalawa dahil maraming guests ang nagdala ng mga school supplies at gamit ng mga bata na pagbibigyan.

Mahigit 70 na backpacks na punong-puno ng damit at school supplies ang natanggap nila sa kanilang mga guests.

(Image Courtesy: abcnews.go.com/US/)

Kahit na hindi man sila nakatanggap ng kanilang mga sariling regalo, masayang masaya naman ang dalawa dahil naibahagi nila sa mga bata ang mga school supplies at backpacks na ibinagay ng mga guests.

Source: Abcnews.go



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *